EDITORYAL - Palayain naman sa mga ‘matatakaw na buwaya’
GINUGUNITA ngayon ang ika-116th anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila. Idineklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan sa balkonahe ng kanyang mansion sa Kawit, Cavite. Pagkaraang ideklara ang kasarinlan, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas. Naging malaya ang PiliÂpinas sa pananakop ng mga Kastila at hindi naÂsayang kabayanihan nina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar at iba pang nagbuwis ng buhay para sa Inambayan.
Ngayon, pagkaraan ng 116 na taon, ibang mananakop naman ang namamayani at nakasakmal sa mamamayan. Hindi pa pala tapos ang paghihirap. Patuloy pa rin pala ang pakikihamok sa mga manaÂnakop. Mas mahirap silang kalaban ngayon saÂpagkat maiimpluwensiya sila at nakaupo sa puwesto. Wala rin silang kabusugan na walang ipinagkaiba sa mga “gutom na buwaya’’.
Patuloy ang paghihirap ng mamamayan. MaÂraming walang trabaho, marami ang nagugutom, walang tirahan, maraming maysakit, maraming nakapila sa mga publikong ospital, maraming nakaÂtira sa mga tent dahil sinalanta ng bagyo at lindol at kung anu-ano pang mga paghihirap na ang ilan ay halos masiraan na ng ulo kung paano mairaraos ang maghapon na walang laman ang tiyan.
Habang marami ang naghihirap at nagugutom, patuloy naman sa pagnanakaw ang mga iniluklok sa puwesto. Nagsasabwatan sila. Walang kataÂpusang pagnanakaw sa pondo ng bayan. Ang perang dapat ay gamitin sa serbisyo-publiko at pagpapaganda ng buhay ay napupunta lamang sa “bulsa†ng mga matatakaw na buwaya. Nag-uumapaw ang kanilang mga “bulsa†subalit wala pa rin silang tigil sa kaÂtakawan. Wala sa bokabularyo nila ang pagtigil sa pagnanakaw.
Palayain ang mamamayan sa mga “matatakaw na buwayaâ€. Kung noong 1896 ay nagawang labanan ang mga mapang-aping Kastila at naiproklama ang kasarinlan, maaaring gawin din iyon ngayon ng mamamayan. Magkaisa at magtulung-tulong sa paglaban sa mga kawatan at buwaya ng lipunan. Suportahan ang paglipol sa mga “matatakaw na buwaya†na naglulunoy sa pork barrel fund.
- Latest