^

PSN Opinyon

90-anyos na si Enrile huwag nang ikulong

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM ko na sa ilalim ng batas, ang mga convicted criminals  na  nasa 70-taong gulang pataas ay isinasailalim na lang sa probation. Hindi na ikinukulong pero binibigyan na lang ng res­triksyon ang kanilang mga galaw. Kailangan din silang mag-report tuwina sa kanilang mga itinalagang probation officers.

Ang hindi ko lang maseguro ay kung ganyan din ang policy sa mga hindi pa nahahatulan pero nakademanda sa non-bailable offense.

Si Senador Juan Ponce Enrile na kasamang kinasuhan ng plunder dahil sa pork barrel scam ay nobenta anyos na at  sa tingin ko tama lang na bigyan siya ng kaunting kaluwagan basta’t bantayan na lang mabuti. Parang house arrest.

Kahapon nga ay personal na nakiusap ang co-accused ni Enrile na si Sen. Jinggoy Estrada kay Presidente Benigno Aquino III kaugnay nito. Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Sabi ni Jinggoy, sila  na lang dalawa ni Sen. Bong Revilla ang ikulong pero kahabagan na si Enrile dahil sa kanyang edad. Handang-handa na ang tatlo para harapin ang kani­lang kapalaran.

Ang sabi raw ni Enrile sa huling pagkikita nila ni Jinggoy ay magkita-kita na lang sila sa kalaboso. Sabagay alam kong sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa si Enrile hindi lang sa pangangatawan kundi maging sa talas ng isip.

Minsan na rin siyang ipinakulong ni yumaong Presidente Corazon Aquino sa kontrobersyal na asuntong “rebellion complex with murder” pero pinalaya rin naman kaagad. Sanay na sa intriga ng politika si Enrile.

Sinabi ni Jinggoy na wala silang balak magtago at handa silang sumuko bago pa man ihatid sa kanila ang mandamyento de aresto.

“Wala naman tayong magagawa riyan kung talagang aarestuhin kami. Ako naman kusang susuko sa kanila kung mayroong ilabas na warrant of arrest ang Sandiganbayan”, dagdag pa ni Estrada.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

ENRILE

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

LANG

MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

PRESIDENTE BENIGNO AQUINO

PRESIDENTE CORAZON AQUINO

SI SENADOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with