AK-47
TUMAAS ang kilay ng mga taga-Manila Police District headquarters sa walang humpay na accomplishment na ipinamalas ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Kasi nga sa kasalukuyan sunud-sunod ang pananalakay ng mga tauhan ni Director Benjamin Magalong sa mga liblib na lugar na pinaglulunggaan ng mga kilabot at pusakal ng lipunan. At bilang pruweba narito ang mga bigating nalambat ng mga tauhan ni Magalong na kinabibilangan nina MNLF Bomb Expert Mihaji Hamjuda, alias “ Mahangâ€, ang tinaguriang “gold finger†sa counterfeiting foreign currency Richard at Erick Turaray, Chinese drug trafficker Kenny Chua Sy, Maguindanao massacre PO1 Warden Legawan y Kusain, Abiang criminal group leader Rodrigo Abiang y Soria at gun-for-hire/Vistro group Johany Vedana y Vistro sa mga lalawigan na mahirap pasukin ng mga pulis.
Indikasyon ito na seryoso si Magalong na matuldukan na ang mga papamayagpag ng mga pusakal. Patunay lamang ito na walang sinasanto o kinakatakutan ang CIDG kahit buhay at karangalan pa nila ang itaya, hehehe! Lalong tumaas ang moral ng CIDG ng kasuhan ang may 19 na pulis na responsible sa mga nawawalang AK-47 assault rifles. Kasi nga ang nagtamasa ng mga matatas na baril na kinabibilangan ng 1,000 AK-47 rifles ay ang New People’s Army sa rehiyon ng Mindanao. Bagamat hindi pa naman tapos ang usapin nito sa korte ngunit sa tingin ng aking mga kausap sa MPD nararapat lamang na panagutin ang mga pulis na sangkot, dahil maraming buhay ng mga kasundaluhan at kapulisan ang nalagas sa patraidor na pananalakay ng NPA gamit ang mga lisinsyadong armas ng pamahalaan. Ewan ko lang kung malulusutan ito ng mga isinangkot na sina retired dir. Gil Meneses, dating pinuno ng PNP Civil Security Group at Dir. Napoleon Estilles dahil nasa labas na sila ng bakuran ng Camp Crame.
Hindi rin pinalusot sina Chief Supt. Raul Petrasanta, Director ng Central Luzon Police Office, C/Supt. Tomas Rentoy, chief ng Supervisory Office for security and Investigation Agencies; C/Supt. Regino Catiis; SSupt. Regie Catiis, SSupt. Eduardo Ancierto Jr at iba pa. Syempre may kasangkot din sa bentahan ng AK-47 assault rifles na mga sibilyan na ang tinutukoy pa lamang ay si Isidro Lozada ng Butuan City na sa kalauan natitiyak ng aking mga kausap na marami pa ang pipiyok at ipagkakanulo ang mga responsible sa bentahan ng baril. Kasi nga kung maging maingat at tikom ang bibig ni pork barrel scam queen Janet Napoles sa multi-billion komisyon noong tanungin siya ng mga senador, may lulutang at lulutang pa rin upang tukuyin ang mga kasapakat sa pagkawala ng mga baril sa hinaharap. Tandaan n’yo yan mga suki! Saludo ako kay Magalong sa tapang at matigas na paninindigan sa pag-ungkat ng inaagiw ng kalakaran sa imahe ng PNP. Mabuhay ka Sir! Abangan!
- Latest


















