^

PSN Opinyon

Ibang klaseng panganib

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSASANIB na ang tahanan ng tao at mga hayop sa Palawan. Hindi biro ang sinusuong na panganib ng mga mag-aaral sa Sitio Marabahay sa Palawan. Kailangan nilang tumawid sa isang ilog na kumpirmadong may mga buwaya, para makarating sa kanilang paaralan. Lumiliit na rin kasi ang tirahan ng mga hayop, kaya umaabot na rin sila kung saan nakatira ang mga tao. Delikado ito dahil kapag nadulas sa mga tinatawiran, o mahulog mula sa mga maliliit na bangka, maaaring may buwaya na naghihintay na sa kanila.

Ilang enkuwentro na nga ang naitala sa nasabing sitio. May mga insidente ng pananakmal ng buwaya sa mga nakatira sa baybay ng ilog. Ang mga buwaya ay matagal nang nakatira sa nasabing ilog. Kaya malaki ang posibilidad na mag-abot ang tao at buwaya. Ang masama ay tila nakatikim na ng tao ang mga buwaya, kaya bahagi na ng kanilang mga hinahanap na makakain.

Wala namang magawa ang mga tao, lalo na mga mag-aaral sa sitwasyon. Hindi naman puwedeng hanapin at patayin ang mga buwaya at bawal ito. Hindi rin naman sila makalipat ng tahanan basta-basta. Nag-iingat na lang sila at nagdadasal na walang mangyari sa kanila habang tumatawid ng ilog. Para sa kanila, mas mahalaga pa rin ang edukasyon, kahit may peligrong maaaring nag-aabang sa kanila. Hinahatid na nga ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak sa paaralan, para makasigurong walang mangyaring masama sa kanila. Sa Metro Manila, trapik ang pinoproblema ng mga mag-aaral samantalang sa Sitio Marabahay, buwaya.

Habang dumadami ang tao at lumalaki ang mga komunidad, lumiliit naman ang mundo ng mga hayop. Kaya hindi nakapagtataka kung mag-abot na lang. Mabuti sana kung mga maliliit na hayop lang tulad ng ibon ang nasasapawan ng tahanan. Ibang usapan ang buwaya. Kapag buwaya ang nakaen-kwentro, malamang hindi ikaw ang magtatagumpay.

BUWAYA

DELIKADO

HABANG

HINAHATID

IBANG

KAYA

PALAWAN

SA METRO MANILA

SITIO MARABAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with