^

PSN Opinyon

Flight Safety

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG Sunday, tatanghalin sa Doha, Qatar ang 70th annual meeting ng International Air Transport Association (IATA), ang makapangyarihang samahan ng mga commercial airliners sa buong mundo. Ang 240 member airlines ng IATA ay kumukumpuni sa halos 85% ng lahat ng commercial air traffic sa mundo. Lahat ng bumiyahe bilang pasahero sa eroplano ay pamilyar sa katagang IATA dahil ang mga nakatatak na kondisyon sa bawat ticket ay pawang napagkasunduan ng mga miyembro ng IATA.

Ang pakay ng pagtitipon ay upang ipagdiwang ang 100 years ng commercial aviation at pag-usapan pa kung paano maitataas ang antas ng kanilang negosyo. Siempre, hindi mawawala sa isip ng mga delegado ang trahedya ng Malaysian Airlines Flight MH370. Napakalaking misteryo pa rin kung paano mawawala na lang – sa panahon ngayon -- nang walang katwiran o kasiguruhan ang ganoon kala-king eroplano. Hindi lang ang pagkawala nito ang mahirap intindihin. Ang kawalan din ng kasagutan ng kung saan ito mahahanap ay mahirap tanggapin. Oo at iminulat nito ang mata ng mundo sa pangangailangan ng karagdagang mga gadget para laging ma-tracking kung nasaan o kung anong nangyayari sa ating mga commercial airliners. Subalit habang hindi pa rin ito nahahanap ay hindi matatahimik ang mundo at ang industriya ng commercial aviation.

Wala nang mas mabilis na paraan upang makapagbiyahe patungong ibang bansa kaysa sa paglipad. Hanggang hindi pa nakakahanap ng alternatibo dito – halimbawa mas mabilis na barko o submarine travel o teleportation ng sarili – ay patuloy pa ring iaasa ng pasahero ang kapalaran nila sa mga airliners. Kaya mahalaga na mapanatili ng IATA ang tiwala at kumpiyansa ng kanilang mga pasahero.

Dahil nga ang buong industriya ay apektado ng misteryo, inaantabayanan ang magiging hakbang ng samahan sa gaganaping conference upang mabigyan ng kasagutan at paliwanag ang naghihintay na publiko.

DAHIL

DOHA

HANGGANG

INTERNATIONAL AIR TRANSPORT ASSOCIATION

KAYA

LAHAT

MALAYSIAN AIRLINES FLIGHT

NAPAKALAKING

OO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with