^

PSN Opinyon

Mga hari ng contractualization at mga hari ng corruption

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG labor force natin ngayon ay umaabot na ng 50 million, 13 million ay jobless, 18 million ay underemployed, 10 million ay OFWs at 9 million ay employed sa bansa. Sa 9 million na employed sa bansa, 6 million ang mga ENDO o “end of 5 months contractual employee” o mga biktima ng contractualization na ipinaiiral ng mga may-ari ng malls na ang karamihan ay napasama sa Forbes List of World’s Richest.

May mga nagtatanong sa akin kung papaano naman daw ang mangyayari kapag halimbawa dahil sa pagbabatikos ko sa contractualization ay maging regular na ang mga ENDO? Paano naman daw ang mga jobless na naghihintay na humalili sa mga ENDO kapag natanggal na sila after five months? Kapag naging regular na raw ang mga ENDO, wala nang mapapasukang trabaho ang mga jobless kahit ba ENDO rin pero may trabaho naman.

Ang sagot diyan ay dapat manindigan na ang mamamayan na labanan hindi lamang ang contractualization kundi ang malawakang corruption sa gobyerno.

Ayon sa World Bank, 30% ng taunang budget ng bansa ay ninanakaw ng mga taga gobyerno. Lumalabas na may katotohanan ang sinasabi ng World Bank dahil  sa mga expose ngayon tungkol sa pork barrel na ibinulsa nang maraming senador, kongresista at iba pa. Bilyun-bilyong pera na dapat ginasta ng gobyerno sa infrastructure para lumikha ng milyun-milyong patrabaho ay nawawala dahil sa malawakang korupsiyon.

Hindi lamang ang mga ganid na employers na nagpapairal ng contractualization ang sumasalaula sa atin, kundi pati mga kawatang pulitiko na sanhi ng widespread joblessness sa bansa. Wakasan ang ENDO at wakasan ang corruption ng sa gayon, magkaroon nang magandang pamumuhay ang mga Pilipino.

AYON

BILYUN

ENDO

FORBES LIST OF WORLD

KAPAG

LUMALABAS

MILLION

PAANO

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with