^

PSN Opinyon

Don’t forget your promise

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG tuluyan nang malululong sa usapang listahan ang Senado. Sa dami ng pinangalanang kasangkot nina Gng. Napoles at Sec. Ping Lacson, inaasahan ang pagtindig ng mga Senador at gamitin ang panahon ng Kamara sa paglilinis ng kanilang pangalan. Hindi ito dapat ipagkait sa kanila dahil mismong reputasyon bilang opisyal at bilang tao ang nakabinbin. Sa totoo lang, bahagi ito ng laro sa mga taong nagpapasyang makilahok sa pulitika. Kasama ng karangalan ng paglilingkod ang kaakibat na pagbukas ng sarili sa lahat ng uri ng batikos. Hindi lahat ng sektor ng lipunan ang maaring mapasaya ng kanilang mga desisyon. Sa bawat isang mabiyayaan, mayroon ding higit pa na maaagrabyado.

Huwang lang kalimutan na nandiyan pa rin ang katungkulan nilang gumawa ng batas na magpapaayos sa takbo ng pamahalaan.  Tulad ngayong araw na ito, inaabangan ang muling pagrepaso ni Senator Grace Poe sa pamamagitan ng privilege speech ng kontrobersyal na eleksyon ng 2004 kung saan nadaya ang kanyang amang si Fernando Poe, Jr.  nang nakapuwestong is Gng. Gloria Macapagal-Arroyo.

Matagal ding panahon ang iniukol ni Senator Poe (noong hindi pa siya nahalal) na mailabas ang katotohanan sa naganap na dayaan – na hindi malimutan ang pagkasangkot ng magka-tandem na Gng. Arroyo at ang kanyang Comelec Commissioner na si Virgilio Garcillano. Hindi man nabigyan ng kaukulang paliwanag, ngayong 10 years na ang nakalipas ay napapanahon ang muling pagbisita sa imbestigasyon nang lalong mapabuti ang ating sistema. Inaasahan ang paghain din ng Senador ng isang panukalang batas na maghahatid ng repormang malawakan.

Maging ang usaping Napoles–PDAF ay nakatali sa isyu ng electoral reform dahil inako mismo ni Gng. Napoles na kontribusyon sa eleksyon ang mga malalaking salaping ibinigay sa mga kasangkot na opisyal. Mabuti at natutunton ni Sen. Poe ang isyu. Sa lahat ng ating mambabatas, siya ang pinaka-may kredibilidad na mag-umpisa ng ganitong pagkilos at tanging siya rin – bilang undisputed na No. 1 sa puso ng mga botante -- ang pagkakatiwalaan ng mamamayan na manguna sa pagpalawig ng reporma.

COMELEC COMMISSIONER

FERNANDO POE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GNG

NAPOLES

PING LACSON

SENADOR

SENATOR GRACE POE

SENATOR POE

VIRGILIO GARCILLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with