^

PSN Opinyon

Sayang

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Sayang ang talino ni Senator Ninoy

di ito minana ni President Noynoy;

kung ngayo’y buhay pa dakilang senador

kakamping kurakot kanyang itataboy!

 

Sayang at ang budget ng ating gobyerno

kunwa’y napupunta sa mga proyekto;

pero paghinanap mga pera nito

ito’y napunta lang sa iilang tao!

 

Sayang ang dumating na mga donasyon

bilyun-bilyong dolyar mula ibang nasyon;

nasaan na kaya mga perang iyon

bakit ang Visayas ay hirap pa ngayon?

 

Sayang ang relief goods na dito’y dumating

sa mga mahirap hindi nakarating?

ito’y ibinenta’t nabulok pa mandin

pagkat may ahens’yang burak ang damdamin!

 

Sayang ang natayong malalaking base

nitong mga Kano na laging kakampi;

kung di pinaalis ng mga salbahe

hindi mananakot ang bansang malaki!

 

Sayang at nabisto kaso ni Napoles

kaya gulong-gulo sa lahat ng panig;

wala ring resulta tayong makakamit

kung ito ay wala ang bansa’y tahimik!

 

Sayang at ang ating mga mambabatas

hindi gumagawa nang mabuting batas;

inaakda nila sa pera’y pangwaldas

kaya mga dukha’y lalong naghihirap!

vuukle comment

KANO

NAPOLES

PRESIDENT NOYNOY

SAYANG

SENATOR NINOY

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with