^

PSN Opinyon

‘Balat-sibuyas’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG palagiang bulyaw na natitikman nila sa among dayuhan ay kayang palabasin sa ‘tengang kawali’. Ang bigat ng trabaho’y  maaaring pasanin ng pagod nang balikat subalit kapag ang trato na’y nakakabali ng leeg dahil nakatapak na sila sa iyong ulo…tiyak lalayasan mo talaga.

“Nahuli raw ang anak ko ng amo niya habang natutulog. May trangkaso kasi ang anak ko nung mga panahong iyon, kaya’t hindi siya makabangon” ani ng inang si ‘Juaning’.

Nagsadya sa aming tanggapan si Juanita Reyes o “Jua­ning”, 59 na taong gulang at asawa nitong si Wilfredo “Willy”, 59 anyos din—dating  sumasampa ng barko.

Inalalapit nila ang problemang kinakaharap ngayon ng dalaga nilang anak. Si Catherine “Nene” Reyes, 29 anyos. Overseas Filipino Worker (OFW) sa Malaysia.                       

Pangatlo sa limang magkakapatid si Nene. Dalawa rito ay may kanya-kanya ng pamilya. Hayskul graduate si Nene at kumuha din siya ng kurso---paggawa ng ‘tiles’, ceramics sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Unang namamasukan si Nene sa isang kantina sa Caloocan City. Buwan ng Agosto 2013, hinikayat siya ng pinsan na si Bubot Reyes, dati ng OFW sa Hong Kong na mangibang bansa.

Naingganyo si Nene kaya’t sumama siya kay Bubot sa Diliman, Quezon City… sa Verdant Manpower Mobilization Center Inc. Nakausap daw dito ni Nene si “Nitz”.

Domestic Helper (DH) sa bansang Malaysia ang inapplayan niya. Ang kanyang kita, 400 ringgit o halagang P16,000 kada buwan.

Libre raw ang Placement Fee kaya naman ura-urada inasikaso ni Nene ang mga dokumentong kakailanganin niya para makalabas ng bansa.

Mula Agosto nikalad ni Nene ang mga papales tulad ng pasaporte, NBI Clearance, Police Clearance.

“Dito lang kami gumastos…sa mga dokumento niya,” ayon sa inang si Juaning.

Ika-6 ng Nobyembre 2013, gabi… hinatid na nila si Nene sa ‘airport’ dahil kinabukasan madaling araw ang ‘flight’ nito papuntang Malaysia.

Pagdating dun, tumawag agad si Nene kina Juaning at sina­bing nasa ‘agency’ pa siya sa Malaysia dahil hinahanapan pa siya ng amo.

Tatlong araw ang lumipas bago makapagtrabaho sa isang pamilya si Nene. Sa among si Eh Boon Leng, may tatlong anak.

May kasama rin siyang Pinay DH dun.

Mula nun, natigil na raw ang komunikasyon ni Nene sa mga magulang.

Isang buwang ang lumipas wala pa rin silang tawag na natanggap galing  kay Nene. Nagdesisyon ang mag-asawang Reyes na puntahan ang Verdant.

Nakausap raw nila dun si Nitz. Sinabi nitong bumalik ng ahensya si Nene. Wala na daw ito sa dati niyang amo.

Nahuli daw kasing natutulog si Nene. Na ayon naman sa anak, trinangkaso siya nung mga oras na yun.

Sumbong pa raw ng ahesya, pinapabayaan ni Nene ang kanyang kasamahan na magtrabahong mag-isa.

“Papatawagin daw nila sa amin ang anak ko. Bago magpasko nakausap naming muli ang anak ko,” sabi ni Juaning.

Bumalik ng Verdant ang mag-asawang Reyes at hiniling na kung maaari pauwiin na lang sa Pilipinas ang anak.

“Sagutin daw namin ang pamasahe niya pauwi…” ani Juaning.

Lumipas ang isa ilan pang buwan, Pebrero, kasalukuyang taon may tumawag kina Juaning, ang ahensya ni Nene sa Malaysia.

Sinabi nitong naka-apat na amo na raw itong si Nene. Papalit-palit siya ng employer kaya’t wala siyang naipong pera pambili ng airplane ticket nito pauwi.

Iba naman daw ang kwento ng anak, ayon kay Juaning sinabi ni Nene na pinapalinis siya ng ahensya sa mga bahay subalit hindi umano siya binabayaran.

“Ngayon lang daw siya binigyan ng part-time job…” ayon sa ina.

Dahil wala na rin maayos na trabahong naghihintay kay Nene sa Malaysia pakiusap nito makabalik na lang sa bansa.

“Hinihika na din ang anak ko dun, nag-aalala na kami,” sabi ni Juaning.

Ito ang dahilan ng pagpunta ni Juaning sa aming tanggapan.

Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

Nakausap din namin sa radyo ang bunsong anak ni Juaning na si Wilhilmina “Mina”, 22 taong gulang. Ayon kay Mina, sinabi raw ng kapatid sa kanya na uuwi na siya ngayong Mayo at pinag-iipunan na niya ang kanyang plane ticket pabalik ng Pinas. 

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, naiintindihan namin ang nararamadaman ng isang ina tulad ni Juaning, gusto niyang mapabalik ng mas maaga ang kanyang anak para masiguradong ligtas ito. 

Lagi naming sinasabi na sa mga tulad ni Nene na unang beses magpunta sa ibang bansa para magtrabaho, nakakaranas sila ng lungkot.

Biglang nagbabago ang mga kulturang dinatnan nila dun, ang mga ugali ng tao pati na rin ang pagkain. Sila ay sumasailalim sa isang depresyon dahilan sa pagkabigla sa bagong kultura (culture shock). 

Naka-apat na amo na raw itong si Nene, marahil kaunting bulyaw lang ay dinadamdam na niya.

Ganun pa man, inilapit na namin ang kasong it okay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) para makipag-ugnayan sa embahada ng Malaysia at malaman ang tunay na kalagayan ng Pinay.         

Agad namang pinarating ni Usec. Seguis ang kalagayan ng Pinay kay Charge d’ Affaires Dary Macaraig ng Malaysia. Ano mang karagdagang ulat ng kasong ito, aming ibabalita sa inyo.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Maari din kayong tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami mula Lunes-Biyernes.

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

ANAK

JUANING

MALAYSIA

NAKAUSAP

NENE

PINAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with