^

PSN Opinyon

Emaus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

Sa Aklat ng mga Gawa, ipinahayag ni Pedro na siya ang saksi sa lahat nang bagay na ginawa ni Hesus pati na ang Kanyang Muling Pagkabuhay. Ito rin ang ipinahayag ni David ukol sa Muling Pagkabuhay ng Mesiyas: “Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay at hindi itinulot na mabulok ang kanyang katawan”. Aleluya!

Pinagsikapan natin tuwina na sundin ang kalooban ng Diyos at patuloy na humingi ng kapatawaran. Subali’t ang lahat ng ito ay para bang nawawalang lahat sa laki ng pagsubok sa atin ng Diyos na kadalasan ay hindi natin mapagwari kung bakit ito nagaganap sa ating buhay. Tulad tayo ng dalawang alagad patungo sa Emaus. Para bang uuwi na sila sa kanilang bayan na puno ng kalungkutan. Taga-sunod sila ni Hesus, humanga at sumampalataya sa Kanyang aral, subalit nang masaksihan nila ang mga naganap kay Hesus ay para bang namatay din ang kanilang pag-asa.

Ito ang kanilang pinag-uusapan nang makisabay si Hesus sa kanila patungong Emaus na may 11 kilometrong paglalakad. Nang magtanong si Hesus ay sumagot si Cleofas na sa lahat ng taong galing sa Jerusalem ay tila ba hindi nalalaman ni Hesus ang mga pangyayari. Sabi ni Hesus: “Ang hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago Niya kamtan ang marangal na katayuan?”

Ipinaliwanag ni Hesus na ang pagsubok at pagtitiis ay bahagi ng ating buhay bago makamtan ang maayos na buhay lalo ang gantimpala sa kabilang-buhay. Matapos magpaliwanag si Hesus at magpaalam sa dalawang alagad ay naibsan sila ng kalungkutan at inaya pa nila si Hesus na sa kanila matulog sa gabing iyon. Palubog na ang araw at dumidilim na. Nakisalo si Hesus. Kinuha Niya ang tinapay, nagpasalamat sa Diyos, pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Dito nila nakilala si Hesus.

Gawa 2:14-22-33; Salmo 15; 1Pedro 1:17-21 at Lukas 24:13-35

* * *

Belated happy birthday kina Edwin Carlos, Vergel Abgelina at Castiel Remo.

CASTIEL REMO

DIYOS

EDWIN CARLOS

EMAUS

GAWA

HESUS

KANYANG MULING PAGKABUHAY

KINUHA NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with