^

PSN Opinyon

P3 million at Toyota Innova premyo sa 6 - cock derby

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPINAAALAM ni Atty. Biyong Garing, promotor este mali promoter pala at may - ari ng sabungan sa Victoria Cockpit Arena, dyan sa Victoria, Oriental Mindoro, na sa Mayo 16, 2014 sa ganap na alas - sais ng gabi ay may pa sabong ito dito.

Sabi nga, 3 - cock derby !

Ayon kay Kuyang Biyong, P5,500 ang pot money at P5,500 minimum bet sa kanyang pasabong sa Victoria Cockpit Arena at kapag nakakuha ng 3 o kaya 2.5 panalo na nag-entry sa kanyang pa derby qualified na itong sumali sa finals sa May 29 sa Rueda Idol 2014 - 6 cock derby dyan sa Pasig Square Garden na wala ng pot money kayong babayaran.

Ika nga, free of charge !

Sabi ni Kuyang Biyong, hindi naman kalakihan ang premyo sa Rueda Idol 2014, P3 million laang at isang brandnew Toyota Innova lamang kaya naman huwag na kayong pakaang-kaang at maghanda na para dito.

Ika nga, maghasa na kayo ng mga panabong ninyo mga kasabong para sa 3 cock derby ni Kuyang Biyong, dyan sa Victoria Cockpit Arena, Victoria, Oriental Mindoro at makasali ng walang pot money na babayaran sa Rueda Idol 2014, 6-cock derby sa Pasig Square Garden.

Hala banat na and good luck sa mga kasabong !!!

 

Si Joy ang jueteng queen sa Paranaque City

 

INAABANGAN ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talagang bibirahin ng mga authorities ang jueteng operations ni Joy na nagkalat sa mga barangay sa Paranaque City. Take note, Mayor Edwin Olivarez, Your Honor baka ma-televised ang pagsalakay nakakahiya. Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos lahat ng barangay sa Paranaque City ay nilatagan ng jueteng ni Joy pero nagtataka ang madlang people dito kung bakit hindi ito hinuhuli ng mga autoridad sa Paranaque City at ng Southern Police District kasama siempre ang PNP - CIDG.

Tanong - Bakit nga ba ?

Sagot -  baka malaki ang hapag este mali hatag pala sa mga bugok ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa ang Paranaque City na may biggest barangay sa southern part of Metro - Manila. Ang ibig sabihin, sangkatutak na madlang people ang nakatirik dito at mga mananaya sa pasugal ni Joy kaya naman ganado ang gaga sa kanyang dayaan bolahan dahil hindi birong salapi ang kanyang nabubulsa everyday and holidays. Hindi kasama sa isinubi ni Joy ang kuartang ipinantapal niya sa mga mukha ng mga kausap niya sa cityhall, SPD, PNP - CIDG southern unit, barangay at iba pang nakapatong para huwag siyang istorbohin o hulihin ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inumpisahan ni Joy tirikan ng jueteng ang Barangay San Dionisio dahil hindi biro ang mga manunugal dito na umaasa ng tama mula sa dayaan bolahan kaya naman sa lugar na ito pa lamang ay may P300,000 kada araw ang kanyang engreso at dahil nga sa malaking pakinabang unti-unting gumapang ang pasugal nito sa iba pang mga barangay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pasok sa ‘intelihensiya’ ni Joy ang mga bugok sa Paranaque City Hall, mga kamoteng police sa Paranaque City, mga nambubukol kay Ma­yor Olivarez at ilang lagapot sa Southern Police District kasama ang mga kamoteng CIDG southern ?
Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Hinihintay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung kailan huhulihin ang pa jueteng ni Joy dahil may mga nagbulong na sa una na hindi magtatagal at makukuha nila ang illegal gambling operation nito.

Abangan.

 

vuukle comment

AYON

JOY

KUYANG BIYONG

NAKU

ORIENTAL MINDORO

PARANAQUE CITY

RUEDA IDOL

SABI

VICTORIA COCKPIT ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with