‘Krisis sa CALABARZON’ (Part I)
TIAONG, Quezon – Nitong nakaraang Biyernes, naidokumento ng BITAG Investigative Team ang naganap na graduation ng mga magsasaka.
Sumailalim sa anim na linggong pagsasanay ang mga magsasakang ito upang labanan ang kasalukuyang krisis na pumipeste sa mga niyog ng CALABARZON, ang “Cocolisap.â€
Ang mapinsalang pesteng “Cocolisap†o Coconut Scale Insect (CSI) ang pumatay sa mahigit 1.3 milyong puno ng niyog sa Batangas, Laguna, Cavite at Quezon.
Matindi ang tama ng CSI sa lalawigan ng Batangas partikular sa bayan ng Lemery, Agoncillo, Talisay at iba pang mga karatig-munisipyo kasama ang Laguna, Cavite maging ang Quezon.
Nagkukumahog ang mga kinauukulan partikular ang Philippine Coconut Authority (PCA), ang mga lokal na pamahalaan ng nasabing lalawigan sa pangunguna ng kanilang mga provincial at municipal agriculturist, mga technician ng PCA at mga dalubhasang sayantipiko ng University of the Philippines – Los Baños, Laguna.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pamemeste at pagpatay sa mga puno ng niyog ng Cocolisap o CSI sa CALABARZON.
Wala pa ring tiyak na solusyon ang mga dalubhasang sayantipiko ng UPLB, at mga technician ng PCA kabilang ang mga pribadong sektor sa ilalim ng UCAP o United Coconut Associations of the Philippines.
Sa nasabing graduation, nakapagtatakang buo ang loob ng mga magsasakang nag-graduate. Hindi makapag-antay gamitin ang kanilang mga natutunan upang labanan at puksain ang pesteng CSI sa teknolohiyang walang katiyakan at hindi pa subok kung ito’y mabisa o hindi.
Subalit ang mga nag-graduate na mga magsasaka na nanggaling sa mga probinsyang nabanggit may kani-kanilang solusyon. Sa bandang dulo ng kanilang mungkahi, “pondo†lang daw ang katapat sa krisis na ito.
Ang PCA naman nagparinig at nagawa pang manawagan sa media, hindi raw kailangan sa krisis na ito ang magturuan at magsisihan sa halip dapat magtulungan. Ang pesteng CSI nagsimulang maminsala noong taong 2010 ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Ang nakapagtataka, Bitag Investigative Team lang ang bukod tanging TV, radio at print media, ang nagkober sa nasabing graduation habang hinihintay si Agriculture Secretary Alcala na naatrasadong dumalo mula pa sa Maynila.
May karugtong…
Abangan sa BITAG Live ang patuloy na pagtutok sa pesteng ito na napapakinggan at napapanood sa Radyo5 92.3 News FM, AKSYONTV-41 at live streaming sa bitagtheoriginal.com alas-10:00-11:00 ng umaga.
- Latest