^

PSN Opinyon

Manyak si Kuya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SI Jacinto, 52-anyos, isang magsasaka ay dalawang taon nang kasal sa pangalawang asawa niyang si Maring, 51. Walang anak ang mag-asawa. May mga anak si Jacinto sa una niyang asawa at nakatira sa ibang lugar. Mga bandang Setyembre, dumating sa buhay ng mag-asawa ang 15-anyos na si Flora. Pamangkin ni Maring si Flora. Dinala siya ng mismong ina para manilbihan sa bahay ng mag-asawa.  Mula nang masilayan ni Jacinto ang dalaga ay nagbago ang lahat. Pakiramdam niya ay muli siyang naging bata at nabuhay na muli ang kanyang nanghihinang pagkalalaki. Agad siyang nag-umpisang magparamdam ng pagkagusto kay Flora. Isang linggo matapos dumating si Flora, isang gabi ng Setyembre ay nagawang pasukin ni Jacinto ang kuwarto ng dalaga. Palibhasa’y kapirasong kahoy lang ang gamit para maikandado ang pinto at walang nagawa si Flora nang puwersahan itong itulak mula sa labas. Kaya nangyari ang unang pakikipagtalik kay Flora. Sa mga sumunod na gabi ay pumayag na rin ang dalaga sa kagustuhan ni Jacinto. Napaniwala siya ng lalaki na pakakasalan siya at sa bandang huli nga ay nagugustuhan na rin niya ang ginagawang pag-angkin ng lalaki sa kanyang murang katawan.   Tumagal ng halos tatlong buwan ang kanilang relasyon bago sila nahuli ni Maring na nagtatalik sa kusina. Nang sumunod na araw ay umuwi sa kanilang bahay si Flora at inamin ang lahat ng nangyari sa kanyang mga magulang. Nang kasuhan para sa krimen ng seduction ay pinalusot ni Jacinto na hindi naman daw niya kailanman pinangako kay Flora na pakakasalan ito. Inimbento lang ito ng dalaga at hindi naman napatunayan sa korte. Tama ba si Jacinto?

MALI. Kapag ang akusado na gumawa ng krimen ay isang opisyal, pari o ministro, isang katulong o kasambahay, titser, tutor o kahit sino na may titulo o panunungkulan, o may res­ponsibilidad sa pangangalaga sa babaeng biktima, siguradong mananagot siya sa batas kahit pa hindi siya gumamit ng panloloko o panlilinlang. Kung halimbawa naman ay nagtatrabaho sa kanila ang biktima, hindi na rin kailangan na patunayan pa ito. Basta isang birhen ang sangkot na may edad dose hanggang disiotso anyos, ang kasong seduction ay nagiging qualified seduction kahit pa walang panlolokong nangyari o kahit pa kusang nakipagtalik ang birhen. Ang dahilan dito ayon sa batas ay dahil likas na kasama ang panloloko o deceit bilang simpleng elemento ng krimen ng seduction at hindi na kailangan pa na patunayan sa kasong qualified seduction. Sa mas mabigat na kaso ay napapalitan na ito ng pang-aabuso sa tiwala ng biktima. Siyempre ay kasama sa ginawang pag-abuso ng tiwala ng biktima ang panloloko. Ito ang desisyon sa kasong Pp. v. Fontanilla, 23 SCRA 1227.  

DINALA

FLORA

FONTANILLA

INIMBENTO

ISANG

JACINTO

NANG

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with