^

PSN Opinyon

Pananampalataya ng buong pamilya

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG aking pamilya ay may mga paboritong Salita ng Panginoon sa Bibliya tulad ng 10 Commandments sa Exodus 20. Ayun sa teachings, ang pinaka-importanteng commandments ay ang 1st na nagsasaad: “I am the Lord your God, you shall have no other Gods except Me.” At ang 2nd na nagsasaad na: “Thou shall take the name of God in vain.” Ang pumapangalawang most important set of commandments ay ang 3rd to the 10th commandments na sa kabuuan ay nag-uutos sa atin to: “Love our neighbour as we love yourself.”

Paborito rin ng aking pamilya ang Matthew 25:45: “Whatever you do to the least of your brothers and sisters, you do it unto God.”  At ang Corinthians 13:3 “If I give all I possess to the poor and give over my body to hardship that I may boast, but do not have love, I gain nothing.”

Tinuturing ng aking pamilya at ng OFW Family Club  na pananampalataya ang pagtulong sa mga distressed OFWs at pamilya, mula pa noong ako ay Labor Attache (1983-89), Ambassador (1994-98), Chairman ng NLRC (2000-2005), at ngayon congressman ng OFW Family Party-list. Bilang Labor Attache at Ambassador, kinukupkop ng aking pamilya sa aming pamamahay ang runaways at iba pang distressed OFWs bagamat ito ay ipinagbabawal ng batas ng UAE dahil ang turing sa runaways ay fugitives from justice at dapat isurender sa police. Sinalbahe at inabuso na nga ng employers ay itinuturing pang mga criminal. Hindi ko matanggap ang batas na ito ng UAE kaya hindi ko inantala na baka ma-declare na persona non grata ako at ma-deport kami ng aking pamilya dahil para sa amin, mas mahalaga at dapat masunod ang mga batas ng Diyos sa Exodus 20; Matthews 25:40; at Corinthians 13:3.

Mabuti na lang at napaganda ko rin naman ang aking relasyon sa mga sheiks at opisyal ng UAE at minarapat nilang unawain na lamang ang aming pagkupkop sa runaways. Hanggang sa kasalukuyan, pinagpapatuloy ng aking pamilya ang iba’t ibang uri ng kawanggawa para sa distressed OFWs at kanilang pamilya. Inaanyayahan ko po kayong lahat na silipin ang activities ng aking pamilya at ng OFW Family Club sa www.ofwfc.org, and www.facebook.com/ofwfc.

Happy Easter sa lahat!

AKING

AYUN

BILANG LABOR ATTACHE

FAMILY CLUB

FAMILY PARTY

HAPPY EASTER

IF I

LABOR ATTACHE

PAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with