Pambu-bully ni Alejandro Tan
KUNG nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan man itong si Engr. Constante Farinas Jr., District Manager ng Philippine Port Authority sa reklamo ni Philippine Star chief Security Guard Dennis Beltran sa pangha-harass at pambubuli ni Alejandro Tan, Bossing ng Resource Management Division noong hatinggabi ng February 6, sa harap ng mga drayber, ahente at Star Group employees ewan ko lang kung papalusutin din ito ni PPA GeneÂral Manager Juan Sta Ana. Kasi nga lumalabas na ang ginamit na puting Adventure na hinambalang ni Tan sa gitna ng kalsada ay naka-isyu sa RMD-PPA natural na galing ito sa mga taxpayer na naman. Lalabas na pwedeng gamitin ni Tan sa kanyang kapritso o personal na lakad ang sasakyan upang maipakita sa taong bayan na makapangyarihan nga siya. Di ba mga suki!
Kaya tuloy parang mga sinilihan ang tumbong ng mga taga-PPA na lumapit sa akin at kondinahin ang pagtukoy ko kay Tan na PPA pulis, dahil si Tan pala ay hindi pulis kung di opisyal siya ng RMD. Kaya tuloy marami silang ibinunyag sakin katulad na lamang sa 2 milyong usapan diyan sa paggiba ng Port Mall na katabi lamang ng dating Traffic Bureau headquarters ng Manila Police District sa may panulukan ng R. Oca at Atlanta Streets. Maging ang bakal pala na sa ginibang gusali ay naibenta sa isang junk shop na pag-aari umano ng isang dating Chairman diyan sa may Delpan, Binondo. Ang unang nagpagbentahan ay umabot sa P35,000 na ang mga kasabwat dito ay mga tiwaling security guard ng Lockheed Security Agency, subalit kung ang unang Isuzu Elf na puno ng bakal ay nakalusot ang pangalawa ay hindi dahil nabuking ito na walang clearance ang paglabas sa Gate ng PPA. Ngunit makaling palaisipan sa CIIS kung bakit na release ito at naglahong parang bula. Idinagdag pa nila na ang temporaryong paglalagay ng mga stall ng mga second hand diyan sa may kahabaan ng Roberto Oca Street ay may kapalit na P4,000 to 6,000 cash money. Hehehe!
Malinaw na may nakinabang sa datung na galing sa nakaw at grease money ng mga stall owner. Maging itong pila ng Jeep at UV diyan sa may gilid ng gusali ng Singer sa may kahabaan ng Rail Road at 13Th Street ay may kapalit ring datung. Tumataginting pala na P150 kada araw sa bawat unit ng Utility Vehicles (UV Express) ang napupunta sa kamay ng sindikato, maging ang mga drayber ng Jeepney ay may lingguhan din Tara, sumatatal umaabot sa P350,000 ang nakukolekta sa mga drayber. Ayon yan sa sumbong ng mga PPA policeman na kusang lumapit sakin Sir! Kasi nga bumaba ang kanilang moral sa aking pagtalakay kay Tan na ang akala ko ay pulis siya ng PPA. Sorry po mga suki! Ngunit uulit-ulitin ko hindi ko inaakusahan si Tan na may kinalaman siya sa mga nakawan at tarahan diyan sa kapaligiran ng Port Area. Abangan!
- Latest