^

PSN Opinyon

Pagpupugay sa mga beterano

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

SA paggunita sa Araw ng Kagitingan bukas (Abril 9), nagpupugay ako sa mga beterano o mga kawal natin na naging bahagi ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Dahil dito ay ipinagdiriwang ang Philippine Veterans Week tuwing Abril 5 hanggang 11.

Sa okasyong ito ay karaniwang nagdaraos ng ma­ka­buluhang pagtitipon ang mga beterano, at binibigyan naman sila ng pamahalaan at ng iba’t ibang sektor ng papuri at mataas na pagkilala dahil sa kanilang kabayanihan.

Ang okasyon ay alinsunod sa Proclamation No. 466 na nilagdaan sa panahon ni dating President Cory Aquino. Sang-ayon sa Proklamasyon, dapat tinitiyak ang kapakanan ng mga beterano ng iba’t ibang military campaigns, at dapat ding isinusulong ang pag-alala at pagpapanatiling buhay ng mga prinsipyo at adhikain ng mga Pilipinong war veterans bilang pagpapatibay ng pagmamahal sa bansa, lalo na sa henerasyon ng mga kabataan.

Kami ni Manila Mayor Erap Estrada at Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay nakikiisa sa pasasalamat at pag­pu­pugay sa ating mga beterano sa kanilang ginawang pag­sasakripisyo at paglilingkod sa ating bansa.

 Matatandaang inihain ni Jinggoy sa Senado ang ilang mahalagang panukalang batas na magsusulong ng kapa-kanan at pagkilala sa mga beterano. Ito ay alinsunod pa rin sa itinatakda ng ating Konstitusyon na siguruhin ang pagkakaloob ng sapat na pag-aalaga, mga benepisyo at ayuda sa mga beterano at kanilang pamilya.

Kabilang sa mga ito ang Senate Bill (SB) 1499 na nag-aamyenda sa Local Government Code upang maging aktibong kabahagi ng mga local development councils at health boards ang mga kinatawan ng war veterans’ association; at ang SB 1466 na bubuo naman ng Office of Veterans Affairs sa Philippine Embassy sa Amerika.

 Sa pagharap natin sa anumang banta sa seguridad ng bansa, ang hanay ng mga sundalo ang nangunguna upang seguruhin ang kapayapaan at upang ipagtanggol ang ating pambansang teritoryo. Nawa ay huwag nating malimutan, at patuloy nating pahalagahan, ang mga sundalong beterano na nag-alay ng panahon at buhay sa pagseserbisyo sa bansa.

 

ABRIL

BETERANO

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

LOCAL GOVERNMENT CODE

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

OFFICE OF VETERANS AFFAIRS

PHILIPPINE EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with