^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Seguridad sa mall

Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGBIBIGAY ng pangamba ang nangyaya-ring pagsalakay ng mga masasamang-loob ngayon. Wala na silang kinatatakutan at masyadong malalakas ang loob. At ang kanilang puntirya sa kasalukuyan ay ang mga matataong mall. Kung saan ang matao, doon sila at walang patumanggang isasagawa ang plano. At wala na rin sa kanilang isip kung sino man ang madamay sa isasagawa nilang pagnanakaw. Basta ang malinaw ay isagawa ang plano at bahala na ang kasunod. Patay kung patay! Ang humarang sa kanilang landas ay isasama nila sa hukay.

Ganito ang ginagawa ng “Martilyo Gang” na mara­ming ulit nang sumalakay sa mga jewelry store na nasa loob ng SM. Tinaguriang “Martilyo Gang” dahil gumagamit ng martilyo, pipe wrench at iba pang solidong bakal na pambasag sa eskaparate ng jewelry stores. Noong nakaraang Disyembre 2013, pinasok ng “Martilyo” ang jewelry store sa SM-North EDSA at tagumpay na nakuha ang mga alahas na umano’y nagkakahalaga ng milyong piso. Ang martilyong ginamit ay binili umano sa hardware store na nasa loob ng mall. Bago pa ang pagsalakay sa SM-North EDSA, sumalakay na rin ang “Martilyo” sa jewelry store sa Sta. Cruz noong 2001 at sa isang mall sa Taguig noong 2009. May mga naarestong miyembro ang pulisya pero muli umanong nagbubuo ng grupo at target pa rin ang mga jewelry stores.

Nakapagtataka naman kung bakit naging paborito ng “Martilyo” ang mga jewelry store sa loob ng SM. Ang pinaka-huling pangyayari ay ang nangyaring pagnanakaw sa SM-Mall of Asia noong Linggo ng gabi. Armado sila ng baril at pipe wrench ang mga suspect at matagumpay na nailusot sa mga sekyu ng SM. Binasag ang eskaparate at nakuha ang mga alahas. Nagtakbuhan sa takot ang mga tao nang makipagbarilan ang mga suspect sa dalawang babaing pulis. Isa ang nadakip. Ayon sa mga pulis, nakatakas ang mga suspect nang humalo sa mga taong nagtatakbuhan.

Palaisipan kung paano naipasok sa mall ang baril at pipe wrench. Ayon sa securituy ng mall, lagi naman silang nagrerekisa. Marahil, dapat nang paigtingin ng pamunuan ng mall ang seguridad. Maaari naman silang bumili ng sophisticated na gamit upang ma-detect ang mga dalang gamit (baril, martilyo, pa­talim at iba pa). Kaya ng mall na pigilan ang mga masasamang-loob kung gugustuhin. Iprayoridad ang kaligtasan ng mga taong tumatangkilik sa mall. Huwag hayaang may mangyari sa kanila.

ARMADO

AYON

BINASAG

CRUZ

MALL

MALL OF ASIA

MARTILYO

MARTILYO GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with