^

PSN Opinyon

Rice statistics kaduda-duda

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG per capita rice consumption ng Pilipinas, anang gobyerno, ay 114.26 kilos. Sa salitang normal, bawat taon mahigit  114 kilong bigas ang kinakain ng bawat isa tayong 105 milyon Pilipino, bata o matanda, babae o lalaki, bungal o kumpletong ngipin. Ibig sabihin, araw-araw 1.6 kilong bigas ang inuubos ng isang karaniwang pamilya ng limang miyembro.

Malaki ito! Maski sabihin ng Bureau of Agricultural Statistics na bumaba na nga ang rice consumption mula sa 128 kilos kada Pilipino nu’ng 2008, o 2.3 kilo kada pamilya araw-araw, kataka-taka pa rin ang statistics.

Dalawa ang rason kung bakit ko nasabi ‘yon. Una,  ang world average rice consumption ay 85 kilo lang kada tao kada taon, at batay ito sa mga kumakain lang ng kanin, na 90% ay Asyano. Ikalawa, ang hunger rate -- insidente ng gutom sa nakaraang tatlong buwan -- sa Pilipinas ay 17-19% ng 3.85 milyong pamilya, o halos isa sa bawat lima.

Sa dalawang rason, lumilitaw ang dalawang anomalya:

Mali ang statistics ng gobyerno. Hindi totoong 114 kilo ang nauubos ng kada Pilipino kada taon. Pinatataas ng Dept. of Agriculture-National Food Authority ang per capita consumption bilang palusot para mag-import ng bigas. Sa imports rice kumi-kickback nang daan-daang-milyong piso ang DA-NFA officials, mula nu’ng nakaraan hanggang kasalukuyang administrasyon.

Bagamat maraming imports, hindi pa rin umaabot sa mga mahihirap ang murang bigas. Resulta: gutom. Tandaan na para sa mahihirap, ang pamatid-gutom ay hindi tinapay o pasta kundi bigas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

AGRICULTURE-NATIONAL FOOD AUTHORITY

ASYANO

BAGAMAT

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

DALAWA

IBIG

IKALAWA

KADA

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with