^

PSN Opinyon

Pagsusulong ni Jinggoy ng interes ng kababaihan

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

SA sa prayoridad na adbokasiya ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang interes ng kababaihan. Bilang Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ay ipinursige niya ang “women-oriented legislation” noong nakaraang Kongreso.

Pangunahin sa naturang mga hakbangin ay ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga babaing manggagawa na makapagtrabaho sa gabi. Sa ilalim ng naging Republic Act 10151 ay inaalis ang “night work prohibition” sa mga women worker upang magkaroon sila ng sapat na oportunidad na makapagtrabaho sa mga call center at business process outsourcing industry na kadalasang may 24-hour operations.

 Ipinaglaban din niya ang pagpasa ng Batas Kasambahay, laluna’t karamihan ng mga kasambahay ay babae. Sa naturang batas ay nililinaw ang kanilang mga karapatan, pribilehiyo at benepisyo.

Bukod sa mga ito ay isinusulong din ni Jinggoy ang mga sumusunod na panukala:

Senate Bill 563 (Women’s Higher Education Scholarship Fund) na magbibigay ng pagkakataon sa mahihirap na kababaihan upang makapagtapos ng edukasyon. Ang pondong ito na pangangasiwaan ng Commission on Higher Education (CHED) ay ibibigay sa mga mapipiling female graduating high school students upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagtustos sa kanilang tuition fee at mga allowances;

SB 883 (Office of Research on Women’s Health) na pamumunuan ng Department of Health (DOH) at tututok sa pagsasaliksik at koordinasyon ng mga hakbang tungkol sa kalusugan ng kababaihan bilang pagkilala sa naiibang kondisyon at mga karamdaman nila kabilang ang mga komplikasyon ng pagdadalang-tao at panganganak, gayundin ang kanilang mga responsibilidad sa tahanan, pag-aalaga ng mga anak, at iba pang gawain sa bahay at komunidad na pawang nakaaapekto sa kanilang kalusugan.

SB 1076 (amending Republic Act 7877 or the Anti-Sexual Harassment Law) na magpapalakas pa ng batas para sa proteksyon ng mga kababaihan, laluna sa lugar ng trabaho, at nagtataas ng multa at iba pang parusa sa sinumang lalabag sa mga probisyon nito.

Mabuhay ang kababaihan! Ipagbunyi ang pagdiriwang ng Women’s Month!

ANTI-SEXUAL HARASSMENT LAW

BATAS KASAMBAHAY

BILANG CHAIRMAN

DEPARTMENT OF HEALTH

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

HIGHER EDUCATION

HIGHER EDUCATION SCHOLARSHIP FUND

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with