Dumito na po tayo, Panginoon
NGAYON ay ikalawang linggo ng Kuwaresma. Ipagpatuloy natin ang pagsisisi sa mga nagawa nating kasalanan. Ipinababatid ng mga pagbasa na tayo ay pinaglalakbay ng Panginoon patungo sa isang pagbabago upang tayo ay Kanyang pagpalain.
Makihati tao sa kahirapan ayon kay Pablo dahil sa Mabuting Balita. Kailangan natin ang tulong ng Diyos na Siyang nagliligtas sa atin. Tinatawag tayo tuwina ng Panginoon at binibigyan tayo ng liwanag. Ipinadadama sa atin ang Kanyang pagbabagong-anyo. Ipinakita Niya ang isang napakaganda at napakaliwanag na tahanan.
Ipinakita ni Hesus kina Pedro, Juan at Santiago ang kaharian na naroon sina Moises at Elias. Ayaw nang umalis doon ni Pedro, sinabi pa niyang magtatayo sila ng tatlong kubol, isa ay para kay Hesus, at tig-isa sina Moises at Elias, upang makaiwas sa ipinahihiwatig ni Hesus sa paghihirap.
Katulad ito ng nadarama natin tuwing dadalo tayo sa “lenten retreat o recollection†na ginaganap sa isang maganda at mapayapang lugar; malayo sa kaguluhan na kung minsan ay nasa tahanan at walang ingay ng mga lansangan. Ang namamayani roon ay katahimikan na pawang panalangin at pagninilay. Para bang wala nang problema sa buhay at sama-sama pang kumakain ng limang beses maghapon.
Tulad ni Pedro ay para bang sinasabi din ng mga nagre-retreat: “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo†Ito’y isang paalaala sa atin na meron talagang magandang buhay sa kaharian ng Diyos. Makakamtan natin ito kung ating mapapag-tagumpayan ang mga pagsubok ng Panginoon.. Matapos ang pagbabagong-anyo na nakita ng mga alagad ay sumunod na ang pagpapakasakit ni Hesus. Ang lahat ng mga sumunod sa buhay ni Hesus ay kanyang pinagtiisan maging kamatayan upang matupad ang kanyang misyon, ang pagliligtas sa atin sa kasamaan.
Matatamo natin ang tagumpay sa kalangitan kung tutuparin natin, isasapuso at sasa-buhay ang sinabi ni Ama: “Ito ang minakama-mahal kong Anak na lubos Kong kinalulugdan. Pakinggan n’yo Siyaâ€.
Genesis 12:1-4a; Salmo32; Timoteo 1:8b-10 at Mateo 17:1-9
* * *
Happy birthday kay Msgr. Don Vito E. Pavilando
- Latest