United States dumistansya
HINDI na raw direktang makialam ang United States sa nangyayaring hidwaan ng Pilipinas at China sa South China Sea. Ito’y kahit interesado ang nasabing bansa sa kalayaan ng navigation sa karagatan at himpapawid ng Southeast Asia.
Ayon kay US ambassador Philip Goldberg, hindi sasawsaw ang Amerika sa tinatawag na Code of Conduct in the South Cina Sea na binubuo ng mga bansang kasapi ng ASEAN at China.
Hindi lang naman Pilipinas ang apektado ng gulong inihahasik ng China kundi ang buong Southeast Asia, partikular yung mga bansang may pag-aangkin sa Spratlys. Kaya ang sabi ni Goldberg, ito’y problemang dapat lutasin ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng People’s Republic of China.
Dito pumapasok ang kasabihang “kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.â€
Bakit ba sa mga nakaraang panahon, nagawa ng China na maglunsad ng digmaan sa Middle East lalu na nang inaÂakusahan ang dating pinuno ng Iraq na si Saddam Hussein ng pagtatago ng weapons of mass destruction?
Kung ibig direktang manghimasok ng Amerika sa ano mang pandaigdig na usapin ay puwedeng gawin nito at kung ayaw ay marami ito gawing dahilan. Pero mabuti na nga kung hindi na ito tuwirang makikialam para tayo namang mga maliliit na bansa ay matutong magdisposisyon sa ating sarili.
Pero international politics iyan na makabubuting huwag na lang talakayin. Inamin naman ni Goldberg na ang Amerika ay interesado sa pananatili ng malayang navigation sa rehiyon ng ASEAN sa himpapawid man o pangkaragatan.
Ang Southeast Asia ay isang lugar sa daigdig na mahalaga sa Amerika. Paano kung ang mga nagaganap na sigalot ngayon ay isa lamang moro-moro para maisip ng mga tao na kailangan pa rin natin ang presensyang military ng naturang superpower?
- Latest





















