^

PSN Opinyon

Baka ‘savings’ ngayon?

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Lahat nagsasabing tiyak balewala

Mga imbestigang ngayo’y ginagawa –

Sa mga anomalyang naganap sa bansa

Ng mga senador saka kongresista!

 

Una’y sa nabistong pork barrel sa Congress

Na sabi’y wala na ay hindi naalis;

Ito’y naging PDAF na nakakainis

Pagka’t pera natin tuloy ang pagwalis!

Sinundan pa ito ng bagong imbento

Ng mga nariyan sa ating Kongreso;

Lumitaw ang DAP at saka ang SARO

Ngayo’y ‘STIMULUS’ doon sa Kongreso!

 

Parang mina-magic ang pera ng bayan

Na bagong imbento ng pamahalaan;

Ang susunod dito’y nawala na lamang

Ang malaking pondo sa Kabisayaan!

 

Hindi lamang milyon kundi bilyun-bilyon

Pumasok sa bansa na mga donasyon;

Mga bilyong dolyar – nasaan na ngayon

Sa ating palitan laksa’t trilyun-trilyon?

 

Mga perang ito’y tiyak sasabihin:

Ito’y nakatago’t sa gobyernong “savings”

Savings – ibibigay ng gobyerno natin

Sa piling candidates – halalang darating!

vuukle comment

KABISAYAAN

KONGRESO

LAHAT

LEFT

LUMITAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with