Dating Cabinet secretary adik-adik na ngayon
ALAM n’yo bang gumon na ngayon sa ipinagbabawal na gamot ang isang dating Cabinet secretary?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Louie Jalandoni ng NDF, Ret. Gen. Charlie Tanega, Ichu Villanueva ng Philippine Star, Rev. Alex Orbito, Dra. Neneng Mina, Cynthia Molina ng PNB, Fiscal Rodil Millado ng Tarlac, Lauro Castel at Leo Cervano.
Ayon sa aking bubwit, noong nasa administrasyon pa ni dating President Erap Estrada ang Cabinet secretary, nahalata na pala ng kanyang mga kapwa secretary noon na gumagamit ito ng droga.
Marami ang nanghinayang sa kanya dahil matalino. Kaya lang dahil sa droga ay nagbago ang kanyang mga kilos at ugali. Kalaunan, niloloko na ang kanyang kapwa mga opisyal sa Malacañang. Para meron siyang pambili ng droga, panay ang utang niya sa kapwa Cabinet members. Nangungutang ng P100,000 hanggang P150,000.
Para makautang, nagdadahilan siya na merong sakit. Kailangan daw siyang operahan. Bandang huli, sinasabi niyang meron siyang cancer.
Ayon pa sa aking bubwit, nahalata ng ilan niyang kaibigan na addict na siya sa drugs kaya pinayuhang magpa-rehab. Pero pilit niyang itinatanggi. Noong nasa gobyerno pa siya, cocaine ang kanyang ginagamit subalit nang wala na sa puwesto, shabu na.
Kamakailan, dinala sa ospital ang dating Cabinet secretary. Subalit may hinala ang ilan niyang kaibigan na nagdadahilan lamang siya upang kaawaan at tulungan.
Ayon sa aking bubwit, ang dating magaling na Cabinet secretary na adik-adik na ngayon ay si Sec. B. as in Brusko.
- Latest