^

PSN Opinyon

Kidney transplant pa rin ang solusyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAKARAMI nang Pilipino ang may sakit sa bato. Kasama na riyan ang dalawang kapamilya ko na dumadaan sa hemodialysis tatlong beses isang linggo. Bukod sa gastos, nawawalan na rin sila ng mahalagang oras para makapagtrabaho. Ang sakit sa bato ang isa sa mga pa-ngunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas. Pero hindi masyadong binibigyan ng halaga ang sakit sa bato, dahil wala masyadong nararamdaman ang pasyente habang nagsisimula pa lang. Kapag may naramdaman, huli na.

Libo-libong Pilipino ang dumadaan sa hemodialysis. Ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Philhealth at PCSO ay hindi sapat para tulungan silang lahat. Kaya may mga sumusuko na lang dahil sa gastos. Ayon sa mga doktor, ang kidney transplant sa taong may End Stage Renal Disease (ESRD) ang solusyon para sa kanila. Maaaring tumagal ang buhay ng pasyente sa hemodialysis, pero may mga komplikasyon ding nagaganap sa matagalang dialysis. Mas magandang solusyon ang kidney transplant.

Pero diyan na nagkakaroon ng problema. Ang bansa ay tila hindi pa handa para sa isang organ donation na programa kung saan pinahihintulutan ang gobyerno na gamitin ang anumang bahagi ng katawan na mapapakinabangan kapag namatay na. Dalawa ang bato ng tao, kaya kung sakali ay dalawang nangangailangan ng bato ang makikinabang mula sa isang tao. Naging problema nga ang pagbenta ng bato sa mga gustong magpa-transplant noong araw. May mga pumapayag na ibenta ang kanilang bato sa mga pasyente na may pera. Ginawa itong iligal ng gobyerno, pero hindi ako magtataka kung nagaganap pa rin ito nang patago. Para sa taong may pera, hindi hadlang ang batas para mapahaba ang buhay, ika nga.

Huling-huli na ang Pilipinas sa larangan ng organ donation. Libo-libo na rin ang naghihintay ng mga bato para ma-transplant sa kanila. Kadalasan taon ang binibilang ng mga nakapila bago mabigyan ng malusog na bato. Hindi rin kasi lahat ay may kamag-anak na handang magbigay ng bato. Nandyan na ang takot at pamahiin na mga madalas na hadlang sa pagbigay ng bahagi ng katawan. Ito ang gustong baguhin ng Philippine Network for Organ Sharing (PHILNOS). Na ang pagbigay ng bahagi ng katawan para mapakinabangan ng iba kapag pumanaw na ay pagbibigay ng buhay. Sana maging matagumpay ang programa. Kung kayang gawin ng ibang bansa, dapat kaya rin natin.

 

BATO

END STAGE RENAL DISEASE

LIBO

ORGAN SHARING

PARA

PERO

PHILIPPINE NETWORK

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with