^

PSN Opinyon

Pekeng ‘Ben Tulfo’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

PAULIT-ulit ko na itong sinasabi, huwag magpapaniwala sa mga tumatawag sa telepono at nagpapakilalang “BEN TULFO.”

Nangongolekta at nagso-solicit ng pera sa mga tanggapan ng pamahalaan, lokal man o nasyunal sa mga lungsod at lalawigan.

Babala at paglilinaw lang, hindi ko estilo na humingi ng tulong o utusan ang mga staff ng BITAG na tumawag sa mga taong hindi ko kilala. Bilang lang ang mga tinatawagan kong kaibigan at nakakausap ng harap-harapan o face to face, eyeball to eyeball.

Estilo ng mga bogus na gumagawa ng modus gamit ang pangalang “BEN TULFO” direktamenteng tumatawag gayang-gaya pati boses ko. Pero kung susuriin at pakikinggang mabuti, malayo ang diperensya ng tunog lalo na ang punto at paraan ng pagbigkas.

All Points Bulletin sa publiko, mga tanggapan ng gobyerno, senador, kongresista, mayor at iba pang mga mababahong pulitiko, engot na kayo kung maniniwala kayo. Kung inaakala ninyong nakatulong kayo, hindi na kayo babanatan dahil nagbigay na ng pera at iisiping magkaibigan na tayo, engot kayo!

Ibang paraan din ng mga putok sa buhong nagpapanggap na “BEN TULFO” ang pagbanggit ng ope­rasyon ng BITAG.

Tatawag sa telepono, manghihingi ng pera sa ka­pamilya ng umano’y biktima at sasabihing magpadala agad ng pera dahil nasa ospital at kami ay nag-iimbestiga. Ito ‘yung tipikal at gasgas na estilo ng “Dugo-dugo.” Huwag agad magpapaniwala.

Ako mismo, kapag naka­ka­rinig ng ganitong uring sumbong, naaawa sa mga biktima. Dorobo ang mga nakausap ninyo.

Kaya kapag kayo’y nakarinig ng pangalang “BEN TULFO” na tumatawag at nanghihingi ng pera o anu­mang mga solicitation para umano sa mga event at cha­rity works, papuntahin ninyo mismo sa inyong tanggapan at may basbas na kayo, maghanda na kayo ng posas at BITAG-in na ninyo!

ALL POINTS BULLETIN

BABALA

BILANG

DOROBO

DUGO

ESTILO

HUWAG

KAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with