^

PSN Opinyon

State witness

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA dami ng mga nakakalkal na isyu ng korupsyon at katiwalian ngayon, marami ang gustong maging state witness. Sila ang mga sangkot din sa kontrobersiya na isa-isang naglulutangan para umano tumestigo at maitama ang kanilang pagkakamali.

Anuman ang kanilang sasabihin, panghahawakan ng mga awtoridad at gagamiting ebidensya laban sa mga idinadawit sa isyu. Mahalaga ang state witness dahil sila ang tutukoy at magdidiin sa lahat ng mga sangkot sa anumang uring korupsyon at katiwalian sa pamahalaan.

Simula ng pumutok ang pangalan ni Ruby Tuason, “magang-maga” na ang kanyang mukha sa harap ng mikropono at telebisyon. Si Tuason ang isa pang tuma­tayong state witness sa umano’y P10 billion Priority Development Assistance Fund scam o Napoles scam.

 Bago ang pagharap niya sa Senate hearing kahapon, inamin ni Tuason na nakokonsensya na siya kaya siya bumalik ng bansa. Pagkatapos ng halos anim na buwang “pagtatago” sa Amerika, bumalik siya sa Pilipinas dahil inuusig na raw siya ng kanyang konsensiya.

May dalawang uri ang konsensiya: Konsensiya dahil dangal ng pamilya niya ang nalalagay sa kahihiyan at balang-araw kapag wala na siya sa mundo sasabihin ng kanyang mga anak at apo na siya ay isang kawatan. O nakokonsensiya dahil may takot siya sa Diyos at nagsisisi na siya sa mga ginawa na kahit anupaman ang kahahantungan sa pagbubunyag niya sa PDAF scam, hindi siya natatakot kahit na bumagsak pa siya sa bilangguan. ‘Yun ang pagsisisi.

Kung titingnan, lahat ng tao ay may konsensiya. Ultimo kriminal at mamamatay-tao ay may konsensiya. Ang tanong, saan nakabatay ang iyong paninindigan at konsensiya.

 Sa bawat administrasyon, marami ng mga state witness sa mga kaso ng korupsyon at katiwalian ang nagsilutangan. Sa imbestigasyon ng PDAF scam, ban­tayan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng mga matatakaw sa “exposure” sa media at naglilinis-linisang mga personalidad.

 Kasabay ng paglutang ni Ruby Tuason, nanawagan ang Malacañang sa mga gusto pang maging testigo. Ang malaking katanungan, may kredibilidad bang tumestigo ang mga lulutang at gustong maging state witness?

 

AMERIKA

ANUMAN

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RUBY TUASON

SI TUASON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->