^

PSN Opinyon

Ganito kasama ang droga!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PATAY na ang batikang American actor na si Phillip Seymour Hoffman. Natagpuan siyang patay sa loob ng kanyang apartment sa New York. Wala pang opisyal na dahilan ng kanyang pagkamatay, pero hinala ng mga pulis, na-overdose sa heroin. Natagpuan ang heroin sa kanyang tabi at may nakasaksak na karayom sa kanyang braso.

Kilala siya para sa mga pelikulang “Twister”, “Boogie Nights”, “Mission Impossible III”, “Capote”, at ang pinakahu-ling pelikulang “The Hunger Games: Catching Fire”. Siya ay sikat, mayaman, may pamilya at kumpor-table na sa buhay. Kaya ang tanong ko uli, bakit pa niya kailangan ang illegal drugs? Ano pa ba ang kulang sa kanyang buhay?

Pero madalas ngang mangyari ito. Mga kilala at sikat na tao, matatagpuan na lang patay dahil sa droga. Sila lang ang nakaaalam kung bakit sila nalulong sa droga sa kasagsagan ng kanilang kasikatan. At si Hoffman ang isa na namang patunay kung gaano kasama ang droga. Naninira ng buhay sa pinaka-masamang pamamaraan.

Kaya nakababahala ang Sinaloa drug cartel na nag-ooperate na umano sa bansa. Hindi ako naniniwala na isa lang ang pagawaan ng droga na itinayo nila sa bansa. Kung may nahuli na ang mga otoridad, hindi pa ito lahat. Pero mabuti naman at may nahuhuli. Sana lang ay makasuhan at maparusahan.

Problema nating lahat ang illegal drugs. Dapat lahat tayo ay may naitutulong sa laban. Huwag na nating hintayin na may mahal sa buhay tayo, o kilala na hindi na matalikuran ang illigal drugs. Huwag sana mangyari sa mga mahal natin ang nangyari kay Hoffman.

BOOGIE NIGHTS

CATCHING FIRE

HOFFMAN

HUNGER GAMES

HUWAG

KAYA

MISSION IMPOSSIBLE

NATAGPUAN

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with