^

PSN Opinyon

Huwag idamay ang bata

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TINGNAN ninyo itong mga nagsasabing rebelde sila na may ipinaglalabang karapatan. Bakit pati mga inosenteng bata ay ginagawa nilang sundalo?

Saan mang anggulo silipin, hindi ito katanggatanggap kahit sa panig ng mga rebeldeng New People”s Army o ng mga tinatawag na Bangsa Moro Freedom Fighters.

Kung may mga militanteng grupo na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan, ang dapat maging bene­pisyaryo ay mga bata. Duwag ba yung mga nakatatanda kaya inilalagay sa frontline ang mga batang hindi pa nakakadama ng takot at ang akala’y baril-barilan  lang ang ginagawa.

Hindi kaya nakokonsensya ang mga grupong ito sa tuwing sangkatutak ang napapatay na mga batang wala pa sa tamang edad dahil isinabak nila sa giyera? Madalas pa ngang nagpapaskel sa social media ng larawan ang mga grupong ito habang isinasailalim sa military training ang mga paslit na naka-uniporme ng sundalo at may hawak na mga malalakas na sandata. Iyan ba’y isang bagay na puwedeng ipagmalaki? Mahiya kayo!

Kamakailan ay  kinondena ng Malacañang ang paggamit “child warriors” at ng mga improvised device ng mga armadong grupo na nakikipaglaban sa tropa ng gobyerno sa Mindanao. Nabalitaan natin na ilan sa mga napatay na mandirigma ay mga paslit na sa murang edad pa lang ay tinuturuan nang gumamit ng mga sandata.

 Halata ang motibo ng mga rebeldeng ito. Kapag mga paslit ang napapatay sa digmaan, lalabas na kontrabida ang gob­yerno. Iyan ang dahilan kung bakit pati yung mga menor de edad ay isinasabak na nila sa giyera.

Sa pandaigdig na batas sa digmaan ay mahigpit na ipinagba­bawal ang paggamit ng mga menor de edad na mandirigma. Kaso nga, tila hindi mga lehitimong freedom fighters­ kundi mga bandido ang mga nakakasagupa ng govern­ment troops kaya kesehoda kung mga paslit ang isinasabak nila sa labanan.

Mag-isip-isip naman sana ang BIFF dahil sarili nilang dugo at laman na wala pa sa edad ang ibi­ni­bingit sa tiyak na ka­matayan.

Kamakailan lang tatlong batang mandirigma ang nasawi sa engkuwentro ng militar at BIFF sa ba­­hagi ng Maguindanao habang ilan pang child warriors­ ang namataang kasama sa grupo ni Kumander Ameril Umbra Kato.

 

vuukle comment

BAKIT

BANGSA MORO FREEDOM FIGHTERS

IYAN

KAMAKAILAN

KUMANDER AMERIL UMBRA KATO

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with