^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Solusyon sa kaliwa’t kanang krimen

Pilipino Star Ngayon

PARA kay Sen. Tito Sotto, parusang kamatayan o bitay ang tanging makapipigil sa lumalalang krimen. Wala na raw kinasisindakan ang mga criminal kaya dapat nararapat ibalik ang death penalty. Pero maraming sumasalungat sa panukala ni Sotto. Hindi raw bitay ang kasagutan sa mga gumagawa ng karumal-dumal. Hindi raw mapipigilan ng bitay ang pagdami ng krimen.

Maski si President Noynoy Aquino ay hindi rin payag na ibalik ang parusang kamatayan. Kapag daw ang isang tao ay nahatulan na ng kamatayan at naigawad ito, hindi na puwedeng bawiin pa ito. Paano raw kung nagkamali sa paghahatol. Maibabalik pa raw ba ang buhay? Hindi raw perpekto ang justice system sa bansa kaya paano kung may isang inosenteng nahatulan. Dapat daw ireporma ang justice system. Kailangan daw pag-aralang mabuti ang pagbabalik sa parusang kamatayan.

Ang Simbahan ay mahigpit ang pagtutol sa parusang kamatayan. Hindi raw bitay ang solusyon para mapigil ang krimen. Marami na raw bansa ang inaalis ang death penalty at nagsisisi na sila. Kung ang mga bansa ay inaalis na ang parusang kamatayan, hindi na ito dapat pang ibalik sa Pilipinas.

Kung ayon sa Presidente ay hindi perpekto ang justice system sa bansa dapat ay ireporma ito. Atasan din naman niya ang mga alagad ng batas na gawin nang maayos ang trabaho para mada-ling mahuli ang mga criminal at mga nagpapakalat ng droga. Sa kasalukuyan, talamak ang pagkalat ng droga at ito ang ugat ng mga karumal-dumal na krimen gaya ng panggagahasa at pagpatay. Paigtingin ang police visibility para hindi manaig ang mga criminal.

Madaling sabihin na tutol sa death penalty, pero ano nga ang mabuting solusyon para mapigilan ang kaliwa’t kanang krimen. Kung hindi bitay, ano ang dapat gawin para masawata ang panggagahasa, pagnanakaw na may pagpatay at pagpapakalat ng bawal na droga?

 

ANG SIMBAHAN

ATASAN

DAPAT

KAILANGAN

KAMATAYAN

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

RAW

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with