^

PSN Opinyon

PhilHealth at POEA nagpapahirap sa OFWs

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Saligang Batas, ang kalayaang bumiyahe kahit saang sulok ng daigdig ay sagradong karapatang pantao. Nakasaad sa Section 6, Article III: “Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health as may be provided by law.”

Wala pang Republic Act na nagbibigay ng kapangyarihan sa POEA at PhilHealth na pigilan ang pag-alis ng OFWs unless lang kung ang nakasalalay ay “national security, public safety and public health.” Ngunit ang dalawang ahensiya ay tahasang nilalabag ang Saligang Batas sa pamamagitan ng pagkait sa OFWs ng overseas employment certificate (OEC) o travel exit pass kapag hindi sila nagbayad ng PhilHealth premium na P2,400 kada taon.

Dahil sa privilege speech ko noong Enero 29 na bumabatikos sa PhilHealth at POEA, ipatatawag ng Kongreso ang mga opisyal ng dalawang ahensiya para magpaliwanag. Kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang sasabihin, magsasampa ako ng kaso sa Korte Suprema dahil sa ginagawa nilang paglabag sa Saligang Batas at kalaunan, criminal cases for extortion and robbery.

Hangarin ng OFW Family Party-list na tanggalin na ng POEA ang OEC dahil maliban sa unconstitutional, ito ay nagpapahirap sa OFWs. Pumipila nang pagkahaba-haba sa mga tanggapan ng POEA ang OFWs para makakuha ng OEC. Hangarin din ng ating party-list na gawing optional ang pagmimiyenbro sa PhilHealth dahil karamihan sa OFWs ay may mga health insurance na sa kanilang jobsites. Hindi dapat ginagawa ng PhilHealth ang OFWs na mga “gatasang baka”. Hindi titigil ang OFW Family party-list na batikusin ang PhilHealth at POEA hangga’t hindi nila wina­wakasan ang “riding-in-tandem” na pagpapahirap sa OFWs.

DAHIL

ENERO

FAMILY PARTY

HANGARIN

KAPAG

KORTE SUPREMA

OFWS

REPUBLIC ACT

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with