^

PSN Opinyon

Mga traydor naglipana upang China manlupig

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGHAHANDA ang China agawin ang Pag-asa Island ng Pilipinas. Sa ulat ng Qianzhan news site, isasagawa nga-yong taon ang attack plan na iginuhit ng Chinese military. Estratehiya umano na ilimita ang labanan sa pinag-aagawang Spratly archipelago, kung saan nasa kanang dulo ang Pag-asa at walo pang isla at bahura ng Pilipinas. Binubuo ng siyam ang munisipalidad ng Kalayaan, Palawan. Mahigit 300 sibilyan ang nakatira doon, mangingisda’t magpapastol, sa ilalim ng mayor at municipal council. Meron silang sariling tubig, koryente, cell site, paaralan, at munisipyo. Inaasam ng China agawin ang laman-dagat at langis (5.4 bilyon bariles) sa paligid ng Pag-asa.

Bakit 2014? Tiyempo para sa Beijing manlupig habang hinang-hina ang Pilipinas. Binayo ang bansa nang mara-ming sakuna, kabilang ang pinaka-masidhing bagyo sa kasaysayan ng mundo at 7.2-intensity lindol. Watak ito sa terorismo ng Komunista at ng Moro islamists. Lugmok ang ekonomiya sa ilalim ng political dynasties, na pinapanatiling dukha at mangmang ang masa. Abala ang burokrasya sa pangungulimbat. Purol ang Army at Pulisya sa pagnanakaw na mga heneral. Kapos ang mamamayan sa military at disaster training -- ni walang ROTC.

Naglipana ang traydor sa Maynila at probinsiya. Isang senador na maka-China ang nagsasaya roon nang inaagaw ang Scarborough Shoal nu’ng 2012. Mula sa Gabinete at mga kapitolyo namimigay ang opisyales ng minahang ginto, pilak, iron, copper, nickel, lead, chromite, cobalt, zinc, at magnetite sa mga minerong Tsino. Ipinanggagawa ang bakal at sangkap ng armas at kagamitan para lusubin ng Chinese warships at jetfighters ang Pag-asa. Tumatanggap sila ng milyun-milyon-pisong suhol para lumpuhin ng China ang sistemang buwis, at kalikasan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

ABALA

BAKIT

BEIJING

BINAYO

BINUBUO

ESTRATEHIYA

GABINETE

PAG

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with