^

PSN Opinyon

Divisoria, gagawin ni Erap na int’l shopping mecca

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

ANG Divisoria ay kilala bilang Philippines’ bargain center na mabibilihan ng sari-saring items: damit, sapatos, laruan, gamit sa bahay at opisina, school supplies, at iba pa na puwede ring mabili nang retail o wholesale.

Pero sa paglipas ng mga taon, ang Divisoria ay naging magulo, marumi, masyadong siksikan, sobrang trapik at madalas pang sinasamantala ng ilang masasamang-loob partikular ng mga isnatser, holdaper at mga sindikato na nambibiktima ng mga mamimili na regular na dumadagsa roon lalo tuwing Pasko at school opening. Naging talamak din ang pangongotong ng mga pulis at opisyal ng nagdaang mga administrasyon.

Kaya naman umani ng papuri at suporta ang isinasaga-wa ni Manila Mayor Erap Estrada na pagsasaayos ng Divisoria upang gawin itong kasiya-siyang puntahan ng mga mamimili, hindi lang ng mga nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa kundi maging ng mga dayuhan. Base sa hakbangin, ang Divisoria ay ita-transporma bilang isang “international shopping mecca” na kahanay ng world-renowned shopping areas ng Hong Kong at Bangkok.

Ayon kay Erap, ang Divisoria ay gagawin niyang maaliwalas, organisadong nakahanay ang mga tindahan pati ang maliliit na sidewalk stalls, maayos ang trapiko at parking ng mga sasakyan, at ligtas ang pagtitinda at pamimili.  Ang engrandeng proyekto ay isinasakatuparan na sa pamamagitan ng Task Force Divisoria na kanyang itinatag noong Nobyembre 2013 kung saan ay itinalaga niyang pinuno si First District Councilor Dennis Alcoreza.

Tiniyak niya para rito ang sapat na konsultasyon at pakikipagtulungan sa mga may-ari ng establisimento at mga vendor. Idineklara naman ng United Sidewalk Vendors of Divisoria Association, Inc. ang kanilang kooperasyon.

Sabi ni Alcoreza, “It takes an extraordinary mayor to construct a Divisoria na ilang dekada nang ganyan. Dumating na ang tamang mayor na once and for all, gustong ma-solve ang problema sa Divisoria na ikararangal natin dahil world standard.”

vuukle comment

ALCOREZA

AYON

DIVISORIA

DUMATING

FIRST DISTRICT COUNCILOR DENNIS ALCOREZA

HONG KONG

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

TASK FORCE DIVISORIA

UNITED SIDEWALK VENDORS OF DIVISORIA ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with