^

PSN Opinyon

Measles international

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AKALA seguro ng marami, dito lang sa Pilipinas nauuso ang tigdas. Hindi po. Ayon sa ating kaibigang si Doc Willie Ong, sa buong daigdig ay may epidemya ng sakit na ito at ang tinitingnang dahilan ay ang climate change.

Malaki ang sakit ng ulo ni Health Secretary Enrique Ona dahil maraming pasaway tayong kababayan na ayaw makinig sa panawagan ng Department of Health na pabakunahan na ang mga bata para maiwasan ang sakit. Kuwidaw tayo dahil ang pasaway at malapit-lapit sa katagang Inggles na pass-away o natigok.

Mabuti ngayon at dumarami na ang mga nagsisidagsa sa mga health centers para magpabakuna dahil libre naman ito.

Kahit ang Amerika ay hindi nakaligtas sa sakit na ito at may naitalang 184 cases. Ang Pakistan naman ay may kabuuang 25,000 kataong tinamaan ng karamdaman at sa kabuuang bilang, 146 ang namatay na ang karamihan ay mga bata.

Marami rin ang dinapuan ng sakit sa Georgia na nag-   tala ng 5,369 na dito’y dalawa ang namatay. Sa Netherlands, tinataya sa 1,162 ang nagka-tigdas, sa France – 497, Italy – 23, at sa Bolzano, Spain ay may 255 na tinamaan ng karamdaman.

Sa Romania ay may naitalang 3,658 kaso, United Kingdom – 3,013 at Australia, 30 kaso.

Nagkakaiba lang ang bilang sa iba’t ibang bansa pero nakikita natin ang masamang signos na talagang buong mundo ang inaatake ng karamdamang ito. Marahil nga ay climate change ang dahilan nito dahil ang radikal na pagbabago ng klima at temperatura ay sadyang masama sa kalusugan.

Naaawa ako sa DOH dahil sa kabila ng mga aksyon nito laban sa sakit ay palaging binabatikos. Sa totoo lang, wala namang kakulangan ng bakuna sa mga health centers. Ang problema daw ay noong una, mga mamamayan ang ayaw magpabakuna dahil may mga nagpapakalat umano ng disinformation na masama ang epekto sa katawan ng bakuna kontra tigdas.

Subalit dahil sa mga napapabalitang kaso ng mga namamatay sa karamdamang ito, balita ko’y dumaragsa na sa mga health center ang mga kababayan natin para mabakunaan ang kanilang mga anak.

Kailangan pa palang matakot tayo bago sumunod.

ANG PAKISTAN

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

SA NETHERLANDS

SA ROMANIA

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with