^

PSN Opinyon

‘Namamasko po...’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MAKIROT pa rin ang damdamin ng isang ina sa brutal na pagkawala ng kanyang anak. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula ng mahuli ang sumaksak, parang kinuskusan ng asin ang sugat ng matuklasan niya na ang salarin na dapat sana’y nasa piitan ay labas-masok sa kulungan.

“Wala si Arjay Descalso! Lumabas kasama ni Warden… pamasko ni Warden,” sagot umano ng isa sa taga-bantay sa Trece Martires Provincial Jail ng tanungin ng isang nagpanggap na kaibigan ng presong si Arjay.

Maalalang itinampok namin ang sa’ming pitak ang sinapit ng noo’y 19 anyos na si Jerick Rojas sa isang lugawan sa Pasong Camachile I, General Trias, Cavite. Pinamagatan namin itong ‘Pre, sino da best?”

Pinagtulungan si Jerick at mga pinsan nitong sina Jearome Aspuria, 26 anyos at Mark Vien Madlangbayan, 19 anyos ng apat na magkakaibigang nakilalang sina Jervy at Rommel Carampot (magpinsan), Aljohn Mendoza at Arjay Descalso mga taga Brgy. Santiago. Noo’y mga lasing.

Kinorner si Jerick sa loob ng kusina at dito na nila pinukpok ng takip ng kaldero ng lugaw ang ulo at saka sinakasak sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nagsampa ng kaso sina Lily. Nagkaroon ng mga pagdinig. Ika-19 ng Enero 2012, ibinaba ng RTC- Branch 23 ang Warrant of Arrest para kina Jervy at Rommel Carampot, Aljohn Mendoza at Arjay Descalso sa kasong Murder. 

Nagtago ang mga suspek kaya’t hiniling ni Lily isulat namin ito at ilagay ang kanilang larawan para madakip. Tinutukan namin ang kasong ito. Ini-refer namin sila kay PSSupt. Rudy Lacadin, Director for Operations ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) para dakpin ang mga suspek.

Isang impormante ang nagsabing nakikita nila ang wanted na si Arjay Descalso sa isang brgy. sa Gen. Trias--sa bahay daw ng kanya girlfriend. Nakilala raw niya si Arjay ng mabasa ang aming kolum at makita ang picture nito.

Ika-24 ng Hulyo nadakip si Arjay ng mga tauhan ng Detective and Special Operations Division (DSOD-CIDG). Sa kulungan ang bagsak niya.

Sobra-sobra ang naging pasasalamat ng pamilya Rojas dahil ang nahuli ay ang mismong sumaksak kay Jerick.      

Ika-31 ng Desyembre 2013, nakatanggap kami ng tawag kay Lily. Pinaalam niyang nasa Trece Martires Provincial Jail siya kung saan nakakulong si Arjay subalit wala raw ito dun.

“Pilit namin pinakikiusapan sila na ilabas lang si Arjay para makita namin kung totoo ngang nakakakulong siya,” ani Lily.

Nang makausap ko sila sa cellphone hiniling ko na baka pwedeng may makausap ako na ‘duty officer’ subalit kanya-kanyang iwas sila. Ito’y matapos ipagtapat ni Lily na ang aming tanggapan ang tumatawag.

Nagpunta sila  sa isang opisina dun para ipakausap sa’min ang kahit isa man lang sa kanila subalit kanya-kanyang dahilan, kanya-kanyang tanggi.

Ika-2 ng Enero 2014, dumating si Lily sa aming tanggapan kasama ang anak ng kanyang kaibigan na si “Edna” , kasama ni Lily ng bumusita sa kulungan. Hawak nila ang ‘video clips’ kung anong naganap nung araw na iyon.

Kwento ni Lily, Ika-29 ng Desyembre 2013 naging usap-usapang namataan si Arjay na nakikipag-inuman umano sa bahay ng kapitan ng kanilang barangay na si Kapitan Rolando Pagkaliwanggan  alyas “Kapitan Batman”. Tiyuhin daw ng isa sa mga suspek na si Aljohn Mendoza na ama raw si Kagawad Jojo Mendoza.

Nabahala si Lily, naisip niyang puntahan si Arjay nung ika-31 ng Desyembre para malaman mismo kung may katotohanan ang lahat ng nadinig. 

Nakumpirma nilang wala ito ng sabihin ng isang lalaki na kanyang na-videohan na, “Wala si Arjay! Lumabas kasama ni Warden…”

Sa pakikipag-usap nila Lily sa mga bantay. Isang nagpakilalang “Mayor” ang nagsabing Dec. 27 pa raw lumabas itong si Arjay kasama si Warden. Hiniling nila Edna na ipakita sa kanila ang ‘logbook’ subalit tumanggi ang Mayor.

Nabanggit din daw nitong bata ni Warden si Arjay subalit ng ulitin ni Edna, “Bata ni Warden si Arjay?” sabay bawi at sabing, “Ka-Bro…”

Ilang sandali nakalahata na ang mga bantay na hindi ‘dalaw’ sila Edna kaya’t nagpakilala na itong si Lily na ‘complainant’ at tumawag si Lily sa amin.

Nang malaman ng mga itong galing si Lily sa CALVENTO FILES, mabilis na lumabas ang isang ‘truck’ na ‘di nila binigyan ng pansin dahil patuloy nilang hinihingi na ipakita sa kanila si Arjay.

Tatlumpung minuto makalipas bumalik ang trak sa loob ng kulungan. Bigla na lang lumutang itong si Arjay na ‘di malaman kung saan nanggaling.

Matapos niyang makita ito, sinabi niya sa mga tao dun na, “Ay! Salamat sa trak! Happy New Year na lang!” pangungutya ni Lily sabay labas.

Itinampok namin si Lily CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag kinapayanam namin sa radyo si OIC-Prov. Jail Warden Melencio De Sagun. Tinanong namin kung totoo ba ang sinasabi ng tao niya na kasabay niya lumabas si Arjay nung ika-27 ng Desyembre.

“May mga preso ako rito na pinapalabas ko dahil naman magpapasko… dahil tayo nama’y makatao pinapasamahan ko sa jail guard. Iimbestigahan ko kung si Arjay ay isa sa nakalabas,” ani Warden De Sagun.

Pinaalala namin sa kanya na imposibleng payagan mo yan dahil ang kaso n’yan ay ‘Murder’ at NO BAIL recommended. Ganun pa man nangako itong si Warden na aalamin niya ang istorya sa likod ng kwentong pinarating sa amin ni Lily. “Kung may pagkukulang ang aking opisina… maitutuwid ko. Nagpapasalamat nga ako sa inyo,” dagdag pa niya.

Hindi kami tumigil dito dahil ang posisyon ni Warden sa Governor siya dapat managot, tinawagan namin si Gov. Jonvic Remulla at pinarating ito sa kanya. Sinabi niyang papuntahin si Lily sa kanyang tanggapan kinabukasan.

Masaya naman binalita ni Lily na, “Galing na po kami kay Gov. Remulla, susolusyunan daw niya ito. Hiningian din niya ko ng photocopy ng warrant of arrests at pictures ng mga wanted at aayusin niya na mahuli ang mga ito. Nabanggit ko rin po na anak ng kagawad ang isa sa pumatay na wanted. Matapang na sinabi niyang wala raw problema yun!”

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ikaw Warden De Sagun, yang ginagawan mong may mga pinapayagan kang umuwi dahil Pasko, sabihin na nating totoo dahil ika’y makatao subalit d’yan nagsisimula ang alingasngas ng kurapsyon. Maaaring maakusahan ka na tumatanggap ka ng pera para paboran ang isang preso. Ayaw mong mangyari yan diba? Wala ka ring karapatan na payagan sila na walang bisa ng isang Court Order para sa isang Christmas Vacation (Furlough).Matakasan ka ng isa, hindi lang makakasuhan ka ng administratibo kundi pati ‘criminal case’ ng ‘Infidelity in the Custody of a Prisoner’.  Simot lahat ng iyong retirement at mga benefits sa serbisyo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

ARJAY

ARJAY DESCALSO

ISANG

LILY

NAMIN

NIYA

WARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with