^

PSN Opinyon

Ian at Moti, binasbasan ni Mayor Tony Calixto

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGTIKLUPAN ng kanilang mga negosyo ang gambling lords sa Pasay City nitong nakaraang linggo. Hindi sila nagsara mga suki dahil sa “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas kundi dahil gustong solohin ng gambling lords na si Ian Vendivel at kanyang kasosyong si alyas Moti ang tabakuhan sa siyudad. Ang magkasosyong Ian at Moti ang binasbasan ni Pasay City Mayor Tony Calixto at anak na si Mark na magpatakbo ng lahat ng uri ng ilegal na sugal sa Sin City. Kaya kung naglipana man ang pasugalan sa Pasay City mga suki, hindi na sila pag-aari nina Len Aguado, Toto Lacson at Boy Corcuera kundi kina Ian at Moti na. Sa ngayon, hindi pa nahuhuli ang mga puwesto nina Ian at Moti dahil nakatimbre umano sa opisina ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte sa halagang P52,000 weekly samantalang sa opis ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ay P20,000. Owww?

Ang nangongolekta para kay Villacorte ayon kina Ian at Moti ay ang pulis na si Bebet Aguas samantalang si Baby Marcelo naman ang para kay Valmoria, anang mga suki ko. Totoo kaya ang balitang ito?

Sa pagkaalam ko kasi, hindi pa nagdeklara si Valmoria at maging si CIDG director Chief Supt. Benjie Magalong tungkol sa “no take” policy ni Roxas. Subalit kung gusto nilang paigtingin ito, madali lang namang hanapin ang opisina nina Ian at Moti. Matatagpuan ito sa Diamond Building sa Libertad St.,sa harap ng Funeraria Malaya. O, get’s nyo na Gen’s. Valmoria at Ma­galong Sirs? Kapag labas-masok ang mga tao sa Diamond Bldg. natitiyak ako na mga kubrador o trabahador sila nina Ian at Moti.

Ang mga puwesto ng bookies sa karera nina Ian at Moti ay matatagpuan sa Maginhawa St., Bgy. 14 Zone 1 sa ilalim ni Chairman Ako; sa Bgy. 195 na sakop naman ni Chairman Amador; sa Villareal sa harap ng PCP 3; at sa Cuenca St., naman hawak ng kapitan ng barangay ang lotteng at EZ2.

Ang malalaking kabo nila ay sina Roger ng Libertad; Aling Che-che at Romy sa Facundo; Jing ng Maricaban; Ruben ng Salud; Logie sa pondohan sa Leveriza; at Aling Babe at Dennis. Magandang giya na yan para kina Valmoria at Magalong para ratsadahin ang mga puwesto nina Ian at Moti. Teka, bakit walang timbre ang dalawang kumag sa opis ni Magalong?

Sinabi ng mga suki ko na hindi makakilos si Sr. Supt. Michel “Mitch” Filart, OIC ng Pasay City police dahil nakaposas ang kanyang mga kamay at may kalalagyan siya kay Calixto. May balita na papalitan na si Filart ng kanyang mistah kaya hindi makakilos laban sa pasugalan nina Ian at Moti. Abangan!

vuukle comment

ALING BABE

ALING CHE

BABY MARCELO

CHIEF SUPT

IAN

MOTI

PASAY CITY

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with