^

PSN Opinyon

Kaugalian bago kagamitan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG bunga ng opisyal na biyahe ni President Aquino sa Japan ay ang pangako na tutulong sila para masolusyonan ang matinding trapik sa Metro Manila. Pinag-usapan ni Prime Minister Shinzo Abe at ng Presidente ang mga pwedeng itulong ng kanyang bansa, sa pamumuno ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Sa totoo lang, wala namang pagbabago sa trapik at matagal nang masama, at lalo pang sumasama kapag Pasko. Matutuyuan ka talaga ng dugo kapag naipit sa trapik.

Pero kahit pinaka-modernong kagamitan ang ibigay o ibenta sa atin ng Japan para maibsan sana ang trapik sa lansangan, wala rin itong epekto kung ang mga masasamang kaugalian ng Pilipinong drayber ay hindi babaguhin. Tatlong taon matapos unang magtalumpati si Pangulong Aquino, kung saan dineklara niyang wala nang “utak wang­wang”, tila bumalik na ang mga abusado sa kalye. Ilang beses na ako nakakakita ng mga sasakyang naka-counterflow, na hindi naman nahuhuli. Minsan, sa harap pa ng MMDA traffic enforcer nakapila sa labas ng double yellow line, na bawal dapat tawiran ng sasakyan. Kadalasan, mamahaling sasakyan ang gumagawa nito kaya tila nasisindak na lang ang traffic enforcer at ayaw nang ipatabi para hulihin.

Marami ang hindi nakakaintindi rin ng “yellow box” sa mga intersection. Ibig sabihin, bawal tumigil ang sasakyan sa loob ng kahong ito, para makadaan nang walang antala ang mga ibang sasakyan sa intersection. Pero kadalasan, walang pakialam ang mga drayber sa “yellow box”. Hindi rin magawa ang halinhinan sa mga makikitid na kalsada, at hindi rin nasusunod ang ilang mga batas tulad ng “one way”, “no u-turn” at “no parking”.

At hindi ko pa binabanggit ang tila walang alam hinggil sa displina at batas trapiko, ang mga drayber ng pampublikong sasakyan. Hihinto kahit saan, pipila kahit nakaharang na sa trapik, at magpapatakbo nang mabilis kahit may mabangga pa! May kasalanan din ang mga traffic enforcers, dahil hindi naman nila hinuhuli ang mga lumalabag, o wala sila sa mga lugar kung saan madalas nilalabag ang mga batas-trapiko. Maganda ang hangarin ng Japan na tulungan tayo, pero kung hindi mababago ang ating kaugalian, baka wala ring mangyari sa mga moder­nong kagamitan na ibibigay sa atin. Masasayang lang ang mga bunga ng biyahe ng Presidente.

 

HIHINTO

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

PERO

PRESIDENT AQUINO

PRIME MINISTER SHINZO ABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with