^

PSN Opinyon

Mas matataas ang antas ng OFWs kaysa kay P-Noy

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

AYON sa POEA statistics, ang bilang ng mga OFW sa kasalukuyan ay umabot na ng 10 milyon. Kung i-multiply ‘yan ng limang miyembro ng pamilya bawat isang OFW, nasa 60 milyon ang bilang ng mga OFW at pamilya. Ang sector na ito ang bumubuo ng overwhelming majority ng buong sambayanang Pilipino na umabot na ng 95 milyon ayon sa NCSO. Bilang isang republican and democratic state ang sistema ng pamamalakad ng ating bansa ay majoritarian o rule by the majority.

Ngunit ang mga OFW  at pamilya ay walang angking kapangyarihan para mapansin o matugunan ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan. Sa SONA ni P-Noy noong Hunyo 30, 2013, hindi man lang niya nabanggit o napasalamatan ang mga OFW at pamilya sa kanilang napakalaking kontribusyon para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa. Ayun sa mga ekonomista, ang pera raw ay dugo na nagbibigay buhay sa ekonomiya ng bansa.

Totoo ito dahil ang halaga ng pera na tina-transfuse o nireremit ng ating mga OFWs sa ating bansa ay umaabot ng US$20 bilyon taun-taon. Kung hindi dahil sa mga OFW baka naging dead man of Asia na ang Pilipinas sa halip na sick man of Asia lamang.  Dahil dito, hindi maaring itatwa ng kahit sino na ang mga OFW ay mga tunay na mga bagong bayani ng bansa. Sila ay mga tunay na mga patriotiko.

Kaya sana ay mabigyan sila ng tunay na recognition ng ating Presidente at bayan. Pero huwag kayong mag-alala mga mahal na OFWs. Ayon kay Gary Hart, ang dating presidential candidate sa US, mas mataas pa kaysa Presidente ang antas sa  lipunan ng mga patriotiko. Ito ang sinabi niya: “There is an office that is higher than the office of the President and that is the office of the Patriot.”

AYON

AYUN

BILANG

DAHIL

GARY HART

HUNYO

KAYA

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with