^

PSN Opinyon

“Hilaw pa!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ang bayabas ay bubot pa at pinilit mong pitasin, matigas walang tamis dahil mapakla ang lasa.

“Ipinakulong ng girlfriend niya ang anak ko,” sabi ni Evelyn.

Tatlong taon nang nasa kulungan ang anak ni Evelyn Navera, 47 taong gulang, nakatira sa Taytay, Rizal na si Francis.

Disyembre ng taong 2010…may nagtext kay Evelyn na nakakulong ang kanyang anak.  Para makasiguro kung totoo ito  nagtungo si Evelyn sa bahay ng kanilang amo kung saan ‘care taker’ si Francis.

“Walang tao sa bahay pero nakabukas ang gate. Sabi ng mga kapitbahay nasa Tanay Police Station daw,” kwento ni Evelyn.

Ang magulang ng labing anim na taong gulang na si “Jinky”, (di tunay na pangalan) ang nagreklamo sa pulis.

“Hindi ko matingnan ng matagal ang anak ko dahil naawa ako sa itsura niya. Bata pa siya para makulong,” wika ni Evelyn.

Kasong ‘Rape’ ang kinakaharap ng kanyang anak.

Ayon sa salaysay ni Jinky, alas otso y medya ng gabi ng Disyembre 27, 2010, habang nasa bahay sila ni Chak na kaibigan ni Francis, nagkaroon sila ng inuman.

“Nagkayayaan po kami ni Francis na umuwi, sabi niya ihahatid niya ako. Sumakay kami ng tricycle pero nagtaka na lang ako at doon niya ako binababa sa Avocado St. kung saan ay care taker siya,” salaysay ni Jinky.

Sa sobra niya umanong kalasingan hindi na niya namalayan na nakarating na sila sa 2nd floor ng bahay. Akay-akay siya ni Francis at napahiga siya sa kama.

“Sinimulan niya na akong halikan, tapos hinubaran niya ako ng damit. Hindi po ako nakapanlaban sa kanya dahil la­sing na lasing ako. Pilit niya pong pinapasok ang kanyang ari. Nilamas niya ang aking dede tapos ay naidlip po ako ng konti,” ayon sa salaysay.

Ilang sandali lang ang nakalipas ay ginising siya ni Francis dahil may kumakatok. Iniwan siya nito at bumaba.

“Nagulat na lang po ako at pumasok si mama sa kwarto tapos inalalayan niya ako pababa,” salaysay ni Jinky. Dinala siya ng kanyang ina sa PNP sa Sampaloc at doon nila idinetalye ang kaganapan.

“Ang sabi ng nanay ni Jinky isasama lang daw sa istasyon si Francis dahil may pag-uusapan. Yun pala ikukulong na,” pahayag umano ni Evelyn.

Ang nakalagay sa ‘medico legal report’ ni Jinky, may punit ang ari ni Jinky sa 3, 5 & 9 o’clock positions. Patunay na may gumalaw sa kanya dahil mga ‘fresh shallow lacerations’ ito.

Depensa ng ina ni Francis, may relasyon umano silang dalawa.

“Nung magpunta ako sa binabantayang bahay ng anak ko nakita kong nandun si Jinky. Nalaman ko rin na madalas pala yang dumalaw dun,” kwento ni Evelyn.

Pinagsabihan niya rin umano ang dalawa na baka magalit ang mga magulang ni Jinky dahil bata pa ito.

Tutol daw ang ina ni Jinky sa relasyon ng dalawa. Maliban sa bata pa si Jinky, hirap sa buhay ang pamilya ni Francis.

Habang dinidinig ang kaso nanatiling nakakulong si Francis sa Tanay Police Station.

“Nang umupo na ang doktor pinalabas kami. Ang anak ko lang ang naiwan kaya hindi ko alam kung ano ang mga sinabi niya,” pahayag ni Evelyn.

Pinagsalita na rin si Jinky ngunit lagi umano itong nagsasabing, “Hindi pa po ako handa.”

“Laging hindi natutuloy ang pagdinig sa kaso. Palagi siyang hindi handa, paano naman ang anak kong ilang taon ng nakakulong?” ayon kay Evelyn.

Kinausap niya ang kanyang pribadong abogado kung bakit pa­laging ganun ang sagot ng biktima. Wala rin umano itong ginagawa para mas mapadali ang pagdinig ng kaso.

“Mabuti pa nung sa Public Attorney’s Office (PAO) ang tumutulong sa akin nagsasalita siya sa korte. Kaya lang naman ako kumuha ng sariling abogado dahil sabi nila mas mapapabilis ang paglabas ng anak ko,” sabi ni Evelyn.

Gustong malaman ni Evelyn kung anong hakbang ang maaari niyang gawin upang mas mapabilis ang pagdinig sa kaso. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Evelyn.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, Ang pinakamadaling gawin ng isang magulang ay hayaan na lang ang kanilang anak na gawin ang lahat ng kanyang naisin.

Si Francis ay labing siyam na taong gulang na kaya’t kahit nasa murang edad pa siya, maari na siyang kasuhan ng kasong RAPE.

Kung totoo ngang girlfriend niya si Jinky, sabit pa rin siya dahil menor-de-edad ito.

Si Jinky ay ang tinatawag na ‘star witness’ ng prosecution dahil ang kasong RAPE ay ang Estado ang nagdedemanda laban sa akusado.

Kaya nga ang nakasulat ay People of the Philippines versus…

Hindi malinaw sa amin kung hindi nagsasalita ang umano’y biktima o inuuna muna ang ibang testigo tulad ng ‘medico-legal officer, arresting officers’ at si Jinky ay hindi pa ‘emotionally stable’ para isalaysay sa harap ng maraming tao ang kanyang umano’y dinanas.

Pinayuhan namin si Evelyn kung totoong hindi nagsasalita si Jinky bakit hindi mag file ng ‘Petition for Bail’.

Kahit wala kang pera pambayad didinigin na rin ng kagalang-galang na hukom ang kaso at kapag mahina ang mga ebidensya ng ‘prosecution’ gagawa siya ng desisyon.

Kapag pinayagan mag piyansa si Francis, ang mga nilalaman ng

desisyon ng Judge ang maaring gawing gabay ng depensa kung paano nila ito ipoporma. Kung hindi naman, base na rin sa desisyon maaring nilang palakasin ang mga mahihinang punto na sinabi ng kagalang-galang na hukom.

Maging leksyon sana ito sa mga magulang na katulad ni Jinky na may anak na nasa murang edad pa, at sa mga ina tulad ni Francis na hindi porke’t lalaki ang sa inyo, kukunsintihin na ninyo ang lahat, tama ba Ka Freddie? (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

AKO

ANAK

EVELYN

FRANCIS

JINKY

KUNG

NIYA

TANAY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with