^

PSN Opinyon

Lady mayor, ginulpi ng mister na konsehal

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ginulpi ng isang konsehal ang kanyang misis na mayor sa loob mismo ng municipal hall?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay da-ting Sen. Nikki Coseteng, Connie Sison ng GMA-7, Luzviminda Saludar, Neneth Aquinde, Ruma Kristine Arias, Mando “Playboy” Castillo,  Rissa Carlos, Liza Arroyo at Jenny Lubi.

Alam n’yo bang napakalaking kahihiyan ang inabot     ng isang magandang lady mayor nang gulpihin ng kanyang mister na konsehal sa loob ng munisipyo? 

Ayon sa aking bubwit, madalas palang mag-away ang mag-asawang pulitiko dahil sa selos. May tsismis kasi sa kanilang bayan na meron umanong illicit affair si Mayora sa isa nilang kababayan.

Noong una ay nagduda rin si Konsehal na hindi niya tunay na anak ang isa nilang anak. Ang hinala ni Konsehal ay anak ito ng secret lover ni mayora. Dahil sa tindi ng away, umabot pa sa pagpapa-DNA test sa bata kung sino talaga ang tunay na ama. Lumitaw naman sa pagsusuri na ang ama ng bata ay talagang si Konsehal. 

Ayon sa aking bubwit, noong nakalipas na linggo ay tumindi na naman ang away ng mag-asawa nang magtungo sa Metro Manila si Mayora. Tumatawag daw si Konsehal mula sa probinsiya pero hindi ito sinasagot ni Mayora. Nagduda si Konsehal na nakikipagkita si Mayora sa kanyang kalaguyo.

Umabot ang kanilang away sa munisipyo. Sa tindi ng selos at galit ni Konsehal, sumugod ito sa tanggapan ni Mayora at ginulpi. Kinaladkad pa hanggang sa hagdanan at umabot sa ground floor ng munisipyo.

Walang nagawa ang bodyguards ni Mayora pati na mga empleado kundi panoorin ang pangyayari. Mabuti at merong naglakas ng loob na umawat kaya napigil si Konsehal.

Ang mayora na ginulpi ng sariling mister ay si Mayor V. as in Victoria at ang mister na nanggulpi sa kanya ay si Kon. D. as in Domino ng Abra.

 

vuukle comment

AYON

CONNIE SISON

JENNY LUBI

KONSEHAL

LIZA ARROYO

LUZVIMINDA SALUDAR

MAYOR V

MAYORA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with