‘Resbak’
NARAMDAMAN niyang parang may pumutok na ugat sa kanyang likuran. Paglingon niya kumislap ang talim ng kutsilyong may tumutulo ng dugo.
“Nakangisi siya habang mahigpit na hawak ang patalim…sabay nagsalita pa, ‘Mayabang ka ah! Patay ka na ngayon!’†wika ni ‘Pongkoy’.
Himala ng nakaligtas si Demetrious Baldemoro o ‘Pongkoy’, 33 taong gulang kay kamatayan.
Dalawang saksak sa likuran at isang malalim na tarak sa dibdib. Ilan lang ito sa tamang inabot niya sa tatlong kalalakihan kinilala niyang sina Orencio “Onto†Ibay, Valiente ‘Val’ Anunuevo at isang ‘di niya kilala (John Doe).
“Kinailangang buksan ang puso ko at operahan. Gusto talaga kong tapusin,†ani Pongkoy.
Tubong Iligan, Lanao Del Norte ang pamilya Baldemoro. Taong 1994, mula ng magretiro ang amang sundalo, lumuwas sila ng Maynila at tumira sa Payatas. Labing isa silang magkakapatid, apat na lang silang nasa puder ng inang si Estela, 69 taong gulang.
Magkakasama sila sa bahay ng binatang kapatid na si Ludi--49 anyos, Celia—48 taong gulang dalaga at si Levi kanilang bunso, 30 anyos—isang sekyu.
“Dati nangungupahan si Levi malapit din sa’min pero nung nakaraang taong bumalik siya kay mama,†kwento ni Pongkoy.
Kinakasama nun ni Levi si Rose Marie Acosta, 46 taong gulang, hiwalay sa asawa. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Nasa edad 5 at 3 taong gulang.
Mula ng magkahiwalay sina Levi at Rose, naiwan sa pangaÂngalaga ni Rose ang mga bata. Pumupunta na lang sa kanilang bahay ang mga anak isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
Ika-29 ng Marso 2013, Biyernes Santo…bandang 7:00PM habang kumakain ng hapunan si Pongkoy sa loob. Narinig niyang may nagtatalo sa labas.
Sumilip siya. Nakita niya ang inang si Estela at mga sundo ng pamangkin na si “Jackâ€, 20 anyos (kapatid ni Rose), anak na dalaga ni Rose at si “Ontoâ€, 18 anyos kabarkada raw ng hipag, mga noo’y nakainom umano.
“Yung bata ‘wag n’yong papabayaan. ‘Wag n’yong paÂlilipasin ng gutom. Ang payat-payat. Huwag n’yong turuan magmura…†pangaral ng lola.
Ilang sandali hindi na raw maganda ang mga narinig na sagot nila Jack kay Estela.
“Inuulit nila yung mga sinasabi ng nanay ko. Sabay sabi sa dulo… ‘AMEN!’ Nabastusan ako!†ayon kay Pongkoy.
Pagkuha sa bata. ‘Di pa raw tumigil ang mga ito at sinabi pang “AMEN!â€.
Dito na napikon si Pongkoy, “Mga bastos kayo!†sigaw niya.
Nilapitan niya si Onto sa gigil niya sinabi niyang, “Ikaw bastos ka!†sabay amba ng suntok. Nanakbo naman ito palayo.
Hinabol siya ni Pongkoy subalit pinigilan daw siya ng mga kapitbahay dahil kilala raw na mahilig sa gulo si Onto.
“ ‘Wag ko na raw patulan baka madisgrasya ako,†wika ni Pongkoy.
Pagbalik niya sa bahay 30 minuto makalipas sumugod daw si Rose sa kanila, noo’y nakainom din daw.
“Gulo pala gusto mo ah!†sabi raw nito sa loob ng kanilang sala.
Pinalabas ni Pongkoy si Rose. Sabi ni Pongkoy, ayaw paawat ng hipag kaya’t napilitan siyang kaladkarin ito palabas… mabilis niyang kinandado ang gate.
“Humanda ka!†matigas umanong banta ni Rose sabay alis.
Bandang Alas otso ng gabi, lumabas si Pongkoy para magpahangin…umupo siya sa may labas. Ilang sandali naramdaman na lang niyang may pumutok sa gitnang bahagi ng kanyang likod.
Lumingon siya. Kwento ni Pongkoy nakita niya si Onto nakangising parang demonyo… hawak ang ‘kitchen knife’ na may tumutulo ng dugo.
“Tumayo ako. Nakakatatlong hakbang pa lang ako. NaramÂdaman kong may sumaksak naman sa kaliwang likod ko. Paglingon ko nakita ko ang isang lalakeng matangkad nasa edad 22… tusok-tusok ang buhok. Bente nuebe naman ang hawak niya,†salaysay ni Pongkoy.
Nanghingi na ng saklolo si Pongkoy at nagtawag sa loob. Siya namang lapit sa kanya ni ‘Val’ ka-live in daw ng anak na dalaga ng hipag. Sa kaliwang dibdib naman siya tinarakan.
Dito na napansin ng kapatid niyang si Ludi, noo’y nakikipagÂkwentuhan lang sa tapat ang nangyayari. Hinabol sila ni Ludi.
Natamaan niya ng bato ang lalakeng ‘di niya kilala subalit nakatakas din.
Nahawakan daw ito ng kapitbahay. Ang akala nila magnanakaw ng manok. Nagpupumiglas ito kaya’t nakatakas din.
“Masyadong mabilis ang pangyayari, parang pinasadahan lang ako. Sa isang iglap lang may tama na ako,†wika ni Pongkoy.
Sinugod sa East Avenue Medical Center si Pongkoy. KinailaÂngan biyakin ang kanyang dibdib para makita kung may tinamaang ugat sa kanyang puso. Maswerte siyang malapit lang sa puso ang tama.
Dalawang linggo makalipas, matapos makalabas ng ospital nagbigay ng salaysay si Pongkoy sa Batasan Police Station at nagsampa sila ng kasong Frustrated Murder laban kay Onto, Val at isang John Doe (di pa nakikilala).
Nagkaroon ng pagdinig ng kaso sa Prosecutor’s Office Quezon City mula buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto subalit ‘di sumipot ang mga suspek.
Huling punta ni Pongkoy sa Prosecutor’s Office nung Setyembre sinabi raw sa kanyang ‘for resolution’ na ang kaso subalit hanggang ngayon wala pa rin silang natatanggap na resolusyon kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.
Itinampok namin si Pongkoy sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa hindi pagsipot sa mga pagdinig nitong mga suspek at hindi pagpapasa ng kanilang kontra-salaysay, lagi naming sinasabi na “Flight is indicative of guiltâ€. Nagpapatunay na maaring may kasalanan nga sila.
Ang salaysay ni Pongkoy ay ‘di nasagot dahil ‘di naman nagbigay ng kontra-salaysay ang kalaban (uncontroverted). Anong pagbabasehan ng taga-usig kundi isampa ang kaso?
Bilang tulong ni-refer namin si Pongkoy sa Department of Justice Action Center o DOJAC ng DOJ para malaman kung ano na ang resolusyon ng kaso at bakit nagtatagal ito.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Maari din kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest