^

PSN Opinyon

Saan ka lalagay?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MABUTI naman at may mga hakbang na isinasagawa na ang gobyerno, para maging mas handa sakaling maulit ang isang malakas na bagyo tulad ng Yolanda. Noong isang araw, inatasan ni President Aquino si Sec. Ramon Paje na magpatupad ng “no-build zones” sa tabi ng dalampasigan, at ito ang mga unang hahadlang kapag may tsunami o storm surge. Nakita ito sa Tacloban. Nais din niyang magkaroon ng sistema ng komunikasyon na hindi mabubuwag nang malakas na bagyo, at mahalaga ito sa mga unang oras ng bagyo at mga susunod na araw para sa relief efforts. Nang tumama ang Yolanda, bagsak lahat ng uri ng komunikasyon, kaya naman naantala rin ang maayos na pagkilos ng lahat.

Ang DND ay nais makabili ng karagdagang C-130 Hercules, at pinatunayan ng eroplano ang kanyang kahalagahan sa oras ng kalamidad. Tatlong C-130 ang nasa imbentaryo ng PAF. Dalawa lamang ang nagamit noong Yolanda dahil kailangang ayusin ang isa. Kung aayusin nang husto ang tatlong eroplano, aabutin ng halos kalahating bilyong piso ang isa. Kung masusunod ang nais ng PAF, siyam na C-130 sana ang nasa kanilang imbentaryo. Sana nga. Sana pag-isipan din ng gobyerno ang pagbili ng mga heavy-lift na helicopter lulad ng Chinook, Seaking, Sea Knight at iba pa. Kung mahalaga ang C-130 kapag may paliparang malalapagan, mahalaga naman ang helicopter kapag wala. Wala tayo niyan ni isa. Sa mga unang araw matapos rumagasa ang Yolanda, helicopter lamang ang nakakalapag sa mga isla. 

May mga panawagan din para sa disenyo ng tahanan na hindi mabubuwag ng hanging may lakas na 300 kilometro kada oras, tulad ng hangin ng Yolanda. Hindi ko alam kung may desenyong bahay na ka­yang mabili ng mahirap na tao. Kung meron, mas mabuti pero tiyak na mahal ito. Pa­laging mahal ang bagong teknolohiya.

Lahat ito ay magastos at may sakripisyong kasama. Ngayon pa lang ay umaalma na ang marami sa “no-build zones” ng gob­yerno, dahil mawawalan sila ng hanapbuhay.

Ang tanong ko naman, di kaya mas malaki ang mawa­wala kapag buhay? Di kaya mas malaki ang paghihirap kapag nasaktan nang malubha? May pagkakataon ang gobyerno na matuto nang husto mula sa mga pagkukulang na inilantad ng Yolanda. Hindi dapat pinalalampas ang mga ito. Maraming balakid, pero kung ang pagpi­pilian naman ay ang mga balakid o ang resulta tulad ng Yolanda, saan ka lalagay?

DALAWA

PRESIDENT AQUINO

RAMON PAJE

SANA

SEA KNIGHT

TATLONG C

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with