Maguindanao: Patay na ba ang hustisya?
SA administrasyon ni Presidente Noynoy, tinatayang nasa 19 na ang mga mamamahayag na napapatay dahil sa pagtupad sa tungklulin.
Naluklok si P-Noy noong 2010, kalahating taon matapos ang karumal-dumal na Maguindanao massacre na ang mga pangunahing nasasakdal ay mula sa angkan ng mga Ampatuan. Hanggang ngayon, wala pang resolusyon. Sa taon lamang na ito, nakapagtala ng 66 kaso ng mga pagbabanta sa buhay, pananakit, illegal arrests, kasong libelo at iba pang uri ng pananakot sa buong bansa kasama na ang Metro Manila.
Limampu’t walo katao ang pinaslang sa Maguindanao massacre at dito’y may 32 ang mga mamamahayag. Itinuturing ito na pinaka-malubhang media killing hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ang mga media practitioners ay tinik sa lalamunan ng mga tiwali. Pinatatahimik para hindi magsiwalat ng mga katiwalian. Kakatwa na ang korteng lumilitis sa kaso ng “Maguindanao†ay nasa pagtalakay pa lamang sa bail petition ng may 63 sa 108 akusado na nakakulong.
Anang Department of Justice, umaalinsunod ang mga procedures na ito sa “rules of court†na nakakaantala sa kaso. Magkakaroon naman daw ng conviction o paghahatol bago matapos ang termino ni P-Noy sa 2016. Ewan ko kung maniniwala ang ating mga kababayan lalu na yung mga kaanak ng mga biktima! Makupad ng usad ng hustisya sa kaso at dito pumapasok ang matandang kasabihang “justice delayed is justice denied.†Nakalulungkot pero marami na ang nawalan ng tiwala sa justice system!
Palibhasa, sa 137 media killings noon pang 1986, mayroon lamang 11 nahatulan. Nalilimitahan pa ang mga hinatulan sa taong pumatay at sa mga kasabwat pero walang mastermind!
Sa ibang kaso, ang mga masterminds sa pagpatay kay Marlene Esperat noong 2005 ay hindi pa nahuhuli hangga ngayon kahit pa may naisilbi nang warrant. Alas, alas – This case has now been archived in the court! Ayaw kong isipin na pera-pera lang ang labanan pagdating sa hustisya. Sabi nga, yung mga walang kaya at mahirap ay dapat magkaroon ng higit pagdating sa hustisya. Those who have less in life must have more in law. Pero hindi iyan ang kalakaran dito sa ating bansa.
- Latest