^

PSN Opinyon

Si CPNP Alan Purisima sa Tacloban, Leyte

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGPAPASALAMAT ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ‘under control,’ ng mga tauhan ng Philippine National Police ang mainit na lumalang sitwasyon sa Tacloban, Leyte, isa sa mga probinsiya sa kabisayaan na matinding hinagupit ng Super Typhoon Yolanda.

Bakit?

Ano ang nangyari doon?

Sagot -  lumala ang ‘peace and order’ situation nagkaroon ng looting pinasok ng madlang people dito ang mga groceries, tindahan, malls at hindi napigilan dahil kulang pa noong mga unang araw ang puersa ng gobierno ng Philippines my Philippines.

Ano ngayon ang balita?

Sagot - dahil sa maagap na pagkilos ni Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima, agad itong nag-utos nang dagdag na puwersa ng kapulisan sa Tacloban at agad nagtungo ito sa Tacloban para personal na tayain ang sitwasyon doon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa utos ni Purisima, ay nakapagdeploy na ang PNP ng kabuuang 1,105 personnel na mangangasiwa sa peace and order sa Lungsod na pinaka-tinamaan ng lupit ni Yolanda, the most powerful storm sa kasaysayan ng earth.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, personal na tumulong si Purisima sa pagsasaayos ng peace and order at ang agarang ginagawang rescue para sa mga survivors at makasagip pa ng buhay.

Kabilang sa PNP delegation team ay mula sa Special Action Force (312); Public Safety Batallion (66); NCR Police Office (128); Police Region 4A (161); Police Region 5 (100); Health Service (17); Crime Laboratory Group (7); Communications and Electronic Services (5); Police Region Office 13 (53); Police Region Office 11 (130); Police Region Office 3 (120); at PNP-DL (10).

Ang naturang puwersa ay idineploy sa Tacloban (780); Mactan Airport (127); Ormoc (85); Capiz (58) at Samar (60).

Binigyang diin ni Gen. Purisima ang kahalagahan ng additional force sa mga lugar na sinalanta ng super bagyo dahil marami sa mga local police ay biktima rin ng kalamidad.

Sabi ni Purisima, bagamat naiintindihan nya na ang dahilan ng ilang residente kung bakit sila napilitang magnakaw ay “survival”, pero ang hindi niya maintindihan ay yaong mga nanguha ng appliances gaya ng TV sets, refrigerators, washing machine at pati gasolina na hindi naman pangunahing pangangailangan sa gitna ng trahedya dulot ng bagyo.

Dahil dito ay nakatakdang paimbestigahan ng PNP ang mga sangkot sa naturang nakawan.

Hindi rin umano makatwiran na ang mga biktima ng bagyo ay maging biktima pa rin ng pagnanakaw.

Sabi ni Purisima sa mga kuwago ng ORA MISMO, “For survivors who became victims of burglars, the unjustified looting (which of course under any given circumstances is illegal), is like adding insult to injury. It’s like fanning the flames of their agony as they were victimized again,”

Tiniyak din ni Gen. Purisima na nakahanda ang kapulisan na tumugon sa anumang sitwasyon na kakailanganin ang pagpapatupad ng batas at kaayusan gayundin ang pagbibigay pag-asa sa mga biktima ng kalamidad.

‘He maybe a leader with a face of strictness, but what is certain is that, he leads with a heart.’ Sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Jueteng sa South M.M full blast na

UMALAGWA na ang jueteng operation sa Taguig, Pateros, Las Piñas, Parañaque at Muntinlupa City ng magbaba ng basbas ang mga bugok na opisyal ng pulisya at mga kamote ng local government ng mga nasabing Lungsod.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tatlong beses binobola ang bulilyo ng pa jueteng ni Alyas Allan pero ito daw ay hindi sa mga Lungsod binobola kundi sa labas ng mga nasabing lugar para masabi na walang jueteng.

Ika nga, matatalino ang mga kamote!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi bababa ng P1 million ang kubransa bawat bola kaya naman ang mga patong na mga bugok na kapulisan dito ay tuwang - tuwa sa intelihensiya na tinatanggap nila every 7, 15, 22 at 30 kada buwan siempre kasama dito ang mga gunggong sa cityhall at mga burungoy kawatan ng bawat lugar na kinukubrahan ng taya.

Ikinanta ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga  gago este mali kabo pala ng jueteng sa Las Piñas ito sila - Mising at Carding parak . Muntinlupa City -  Josie bruha, Boy ‘araro jado,’ Emily, Samboy at Lando, Parañaque City - Jonjon, Sun Valley Boyet daughters.  Baclaran - Edgar, San Dionisio Joy, Pateros - Papay pusa , Jovit, Bob, Vergel.  Taguig - Isang alyas Araguta at alyas ayungin, Philip.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imposibleng hindi ito kilala ng mga burungoy kawatan sa mga nasabing lugar dahil ang kubransa dito ay hayagan at hindi itinatago,

‘Abala ngayon si SILG Mar Roxas sa mga tinamaan ng bagyo kaya hindi niya ito nabibigyan ng oras?’ Sabi ng kuwagong mananakla.

‘Ano ang ginagawa ni CIDG director Frank Uyami Jr.’

‘Sssssssshhhhhhhhh huwag kang maingay baka magising!

Abangan.

ANO

POLICE

POLICE REGION OFFICE

PURISIMA

SABI

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with