Pananamantala sa panahon ng kalamidad
KUNG perwisyo ang dala ng hagupit ng bagyo sa iba, tila Pasko naman ito sa mga oportunista at mapagsamantala.
Marami sa mga kababayan natin sa iba’t ibang lugar at lalawigan ang matinding naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Malaking problema ang naidulot nito sa bansa. Maraming mga pamilya at indibidwal ang naapektuhan sa pagbayo ng nasabing supertyphoon.
Sa datos ng mga awtoridad, libo-libo ang naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Sa ganitong mga panahon, walang tanging basic commodity o pagkain, tubig, medisina at iba pang mga pangunahing pangangailangan at suplay ang unang hinahanap ng mga naapektuhan ng kalamidad.
Subalit, sa ganito ring mga panahon, nagsulputan ang iba’t ibang uring modus at pananamantala ng ilang mga gahaman nating kababayan.
Kahit lugmok na kasi at matinding naigupo ng kalamidad ang marami, ang ilan, naaatim pa ring kontrolin ang bentahan ng mga paninda.
Marami ang nasusumpungang dumudoble o triple sa pagpataw ng presyo kumpara sa suggested retail price ng mga produkto. Bukod pa rito ang mga insidente ng pag-iimbak ng basic goods.
Dahil sa matinding pangangailangan, ang ilan naman sa ating mga kababayan, kaysa magutom at mamatay ng dilat ang mata, napipilitan at pinapatos nalang ang overpriced products.
Sa mandato ng Department of Trade and Industry, mahigpit na ipinagbabawal ang overpricing at hoar-ding sa mga lugar na matinding naapektuhan ng bagyo at kalamidad. Sinuman ang masusumpungang lalabag ay may karampatang parusa.
Sa paghagupit ni “Yolanda,†siguradong maraming nagsulputang mapagsamantalang negosyante.
Paala ng BITAG sa publiko, agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang ganitong mga panlalamang at pandaraya sa inyong lugar at komunidad upang matuldukan na ang kanilang pananamantala.
kalamidad. Sinuman ang maÂsusumpungang lalabag ay may karampatang parusa.
Sa paghagupit ni “Yolanda,†siguradong maraming nagsulputang mapagsamantalang negosyante.
Paalala ng BITAG sa publiko, agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang ganitong mga panlalamang at pandaraya sa inyong lugar at komunidad upang matuldukan na ang kanilang pananamantala.
- Latest















