^

PSN Opinyon

PNP abalang-abala

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LUPAYPAY ang balikat at talaga namang patampata ang  pangangatawan ng mga kapulisan sa ngayon matapos ang dalawang malalaking event na ginampanan. Simula kasi noong October 25 ikinasa ni Philippine National Police chief P/DGen. Alan Purisima ang Full Alert Status ng PNP sa buong bansa upang pangalagaan ang Barangay Election. Tagumpay naman at taas noo ang sambaya­nan sa ipinakitang gilas ng PNP. Kasi nga naitala sa kasaysayan ng PNP na Generally Peaceful ang ginanap na Barangay Election. Palakpak naman diyan mga suki! Paano nga mula ng ipag-utos ni Comelec chairman Sixto Brillantes ang Total Gun Ban noong September 28 sa PNP at AFP abay, isang katerbang patayan ang naganap dahil malamya ang mga check point sa mga kalye. Lulubog-lilitaw kasi ang mga inilatag na check point ng kapulisan at kasundaluhan kayat namayagpag ang mga Riding-in Tandem sa pagpunterya sa mga inosenteng mamamayan at kandidato ng Barangay. Isang sampal din sa imahe ng PNP ang pananambang kay P/CInsp. Romeo Ricalde diyan sa may Barangay Pasol sa may Quezon City dahil hanggang sa ngayon blangko ang kapulisan sa pagkaka-kilanlan sa mga suspek. Subalit ng araw mismo ng halalan hanggang sa bilangan ng balota  himalang tumahimik ang kapaligiran. Mukhang epektibo ang pormula na inilatag ni PNP chief Purisima. Hehehe! At ang pinal na paghihirap sa ngayon ng PNP ay itong selebrasyon ng Undas. Halos mapuno kasi ng kapulisan at kasundaluhan ang lahat ng intrada ng mga pangunahing libingan sa Metro Manila. Ito nama’y para sa kapakanan ng sambayanan mga suki! Ipinagbawal sa lahat ng mga bumibisita sa puntod ang pagdadala ng mga Bladed Weapons, Baril, Radyo o karaoke, Flamable Materials (kabilang na riyan ang Lighter) Alak, Baraha at syempre Madjong Set. Itoy upang mapigilan ang paghasik ng lagim ng ilang Kulang Sa Pansin (KSP) na mga kababayan natin na ginagawang battle ground ang loob ng simenteryo. Saludo na sana tayo sa ipinakikitang gilas ni PGen. Purisima dahil ibinuhos nya ang lahat ng kaalaman sa pagbibigay ng proteksyon sa sambayan.  Ang masakit mga suki! May ilang reklamo tayong natatanggap katulad na lamang sa pambaraso ng ilang pulis trapiko diyan sa bagong kaharian ni President/Mayor Joseph  “Erap” Estrada ng Maynila. Kasi ayon sa sumbong pinupuwersa umano ng isang nagngangalang P/Capt. Robles na hatakin ang mga illegal parking sa kapaligiran ng Dangwa diyan sa may Sampaloc. Ang siste mga suki, sa halip na isyuhan ng Traffic Violation itong lumalabag sa No Parking Zone aba’y sapilitang kinukuha ang suki sa driver upang madala sa Impounding Sation nila sa may Smokey Mountain diyan sa Vitas, Tondo ang sasakyan. Calling Pnp chief Purisima, paki busisi nga nito ng maliwanagan ng sambayanan. Abangan!

 

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BARANGAY ELECTION

BARANGAY PASOL

BLADED WEAPONS

CALLING PNP

FLAMABLE MATERIALS

FULL ALERT STATUS

PNP

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with