^

PSN Opinyon

Mga politiko’y bulok, pero pati ba naman Hudikatura?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI nagugulat ang mga Pilipino na malamang puro bulok talaga ang mga politiko nila. Open secret na kumakaltas sila ng 10% komisyon mula sa mga proyekto. Nadismaya nga lang kamakailan ang taumbayan nang malamang 90% na pala ngayon ang kini-kickback, at 10% na lang ang natitira para sa proyekto ng senador o kongresista mula sa pork barrel na Priority Development Assistant Fund (PDAF).

Mas nadismaya ang mamamayan nang mabunyag na hindi lang pala PDAF ang ibinubulsa ng mga politiko. Kasabwat ang Malacañang at Gabinete, meron pa palang Disbursement Acceleration Program (DAP) na tig-P50-P100 milyong ipinamahagi sa bawat senador at P15 milyon sa ilang piling kongresista. Palihim ito, at walang audit. Kinuha ang savings ng mga ahensiya ng Ehekutibo at ibinigay sa Kongreso. Malamang ibinulsa ng mga politiko ang bilyon-bilyong-piso.

Lahat ‘yan dumadaan sa maraming fixers ng congressional pork barrels. Isa sa mga fixers si Janet Lim Napoles.

Pero ngayon nanlulumo ang publiko nang ma-expose na meron ding mala-Napoles din palang fixers sa Hudikatura. Ito’y si “Ma’am Arlene,” na namimigay sa mga mahistrado ng mamahaling regalo, parties, pambiyahe abroad, pang-conventions, at raffle prizes. Kapalit nu’n ay mga desisyon na pabor sa malalaki’t mayayaman niyang kliyente sa regional trial courts at Court of Appeals.

Nang imbestigahan ni Supreme Court Administrator Midas Marquez ang in-expose kong ito, tatlo ang nakumpirma niyang fixers na nagngangalang “Ma’am Arlene.” Kung sa letter “A” pa lang ay tatlong fixers na, e di, batay sa bilang ng titik sa alpabeto, ang dami nilang nangko-corrupt sa Hudikatura. Hindi ito katanggap-tanggap.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

vuukle comment

ARLENE

COURT OF APPEALS

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HUDIKATURA

JANET LIM NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANT FUND

SUPREME COURT ADMINISTRATOR MIDAS MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with