^

PSN Opinyon

Inutakan ng kaanak (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

UNANG kinasal si Ana kay Greg at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Elsa at Vicky. Nang namatay si Greg, muling nagpakasal si Ana kay Erik at nagkaroon sila ng limang anak, sina Pol, Alice, Minda, Danny at Rosie. Sa kanyang pangalawang kasal ay nakakuha sila nang napakaraming lupa (homestead properties) na may sukat na 296,555 metro kuwadrado at na sakop ng original certificate of title (OCT).

Nang mamatay si Ana ng walang huling testamento, gumawa ng Extrajudicial Settlement with Absolute Deed of Sale sina Erik bilang asawa ni Ana at bilang guardian nina Danny at Rosie na noon ay menor de edad pa, kasama ang tatlo pang anak na sina Pol, Alice at Minda, kung saan pinaghatian nila ang kaparte nila sa nabanggit na lupa at nilipat nito sa mag-asawang Harry at Julie sa halagang P80,000.00. Ang dokumento ay hindi pirmado nina Elsa at Vicky. Hindi rin ipinaalam sa kanila ang tungkol sa ginawang paghahati ng mana.

Makalipas ang 20 taon, nang mamatay si Erik, nag­sampa ng reklamo sa korte sina Pol, Alice, Minda, Danny at Rosie para mapawalang-bisa ang nasabing Extrajudicial Settlement and Deed of Sale. Ayon sa kanila hindi naman daw legal ang pagbebenta sa loob ng limang taon dahil ito’y pinagbabawal ng batas. Pagkaraan, nagsumite ng deklarasyon si Rosie kung saan inamin na niya ang nangyaring bentahan. Sa kabilang dako ang mga anak naman ni Ana sa unang asawa na sina Elsa at Vicky ay nakialam na rin sa kaso at naghahabol sa kanilang mana dahil nga hindi raw sila nakakuha ng parte nila bilang tagapagmana ni Ana. Habang nililitis ang kaso ay namatay din ang mag-asawang Harry at Julie kaya humalili sa kanila ang kanilang mga tagapagmana.

Sa kanilang sagot na may kasamang kontra reklamo sinabi naman ng mga tagapagmana nina Harry at Julie na nangyari ang bentahan matapos ang taning na limang taon. Hindi rin daw nila alam ang sinasabi nina Elsa at Vicky na hindi sila nakaparte sa mana. Ayon sa kanila, labing pitong taon nang hawak ng kanilang nasirang magulang ang lupa, kaya’t paso na ang karapatan ng mga tagapagmana ni Ana na habulin pa ang lupa.

Matapos ang paglilitis ay nagdesisyon ang korte pabor sa mga tagapagmana ni Ana. Pinawalang-bisa nito ang Extrajudicial Settlement with Deed of Absolute Sale. Ayon sa korte, kahit pa napatunayan na ginawa ang bentahan lampas sa limang taon na taning ng batas, wala pa rin bisa dahil inalisan ng karapatan sina Elsa at Vicky na magkaroon ng parte sa mana. Pangalawa, wala din daw kapangyarihan si Erik na ibenta ang parte ng menor de edad na sina Rosie at Danny bilang guardian. Binasura din ng korte ang argumento  na paso na ang karapatan ng mga tagapagmana ni Ana na maghabol sa homestead patent dahil ito’y di lumilipas. Tama ba ang korte? (Itutuloy)

ANA

AYON

ELSA

ERIK

EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT

JULIE

MINDA

ROSIE

SINA

VICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with