^

PSN Opinyon

Bitay sa kriminal

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Marami sa ating mga kababayan

sapagka’t kriminal ay sobra ang tapang;

Ang mga karnaper target ay sasakyan

owner ng sasakyan agad pinapaslang!

 

Ang katulad nila’y mga magnanakaw

tinatawag nating mga akyat bahay;

Kahi’t nasa loob ang may-ari ng bahay

matanda at bata pawang pinapatay!

 

Sana naman sana huwag nang patayin

ang mga biktima ng kanilang krimen;

Ang buhay ng tao pag siyang nagmaliw

mga buhay nila hantunga’y malibing!

 

Pera’t kagamitan, alahas iba pa

okey mga iyan ay pwedeng makuha;

Subalit ang buhay lubhang mahalaga

di mo mabibilang luha ng pamilya!

 

Kung kayo’y kriminal – binabasa ito

maging mahinahon sa inyong opisyo;

Kunin ang sasakyan buhayin ang tao

kung kayo’y madakip ay mabibilanggo!

 

Subalit kung kayo’y masyadong pusakal

at buhay ng tao’y inyong inuutang –

Bukod sa makulong kayo’y mabibitay

pamilya’t kaanak lalaging luhaan!

 

Ang ating hustisya saka mga batas

sa araw at gabi kayo’y hinahanap;

Karnaper, holdaper kayo’y walang ligtas

sa nagawang sala kayo’y magbabayad!

vuukle comment

BUKOD

KAHI

KARNAPER

KAYO

KUNIN

MARAMI

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with