Customs official, binigyan ng juicy position ang kanyang siyota
ALAM n’yo bang binigyan ng juicy position ng isang opisyal ng Bureau of Customs ang kanyang magandang girlfriend sa kanilang opisina?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, Sen. Chiz Escudero, Gen. Ely dela Paz, Ret. Col. Joe Mina, Willy Tee-Ten, Rico Valdez ng DZNL-La Union, Ruel Benitez, Dra. Erlinda Nepomuceno at happy wedding anniversary kina Kuyang Oca at Ateng Ester Bunyi.
Usap-usapan ngayon sa Customs, ang illicit love affair ng isang opisyal at kanyang ching-ching na binigyan pa ng magandang posisyon sa kanilang tanggapan. Nagkaroon ng balasahan sa kanilang opisina pero hindi ginalaw ang position ng siyota.
Mukhang nabighani na si Bossing sa beauty ng chiching dahil ang ibinigay niyang posisyon dito ay isa sa mga pinaka-juicy. Ito yung departamentong nagbibigay at nagre-renew ng mga accreditation ng customs brokers.
Ayon sa aking bubwit, maganda, maputi at kahawig ng isang actress ang chiching ni Bos-sing. Dahil medyo bata pa at sexy ang chiching, nagpa-sexy rin si Bossing. Kung dati ay tatlo-tatlo na ang bilbil sa tiyan ni Bossing, siya ay nagdiet at nag-gym para raw lumiit ang tiyan at lumakas ang resistensiya. Bossing, alam ba ni misis ito?
Ayon sa aking bubwit, ang chiching ni Sir na maganda, sexy, medyo bata pa, dalaga at higit sa lahat, abogada ay itatago ko sa pangalang Atty. R.G. as in Real Girl. At ang boyfriend niyang Customs official ay walang iba kundi si Mr. R. as in Romeo.
- Latest