^

PSN Opinyon

BADDAP?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KALIWA’T KANAN ang atake sa PDAF. Umabot na sa Mataas na Hukuman ang hamon. Sa ilalim ng isang Republican Democracy tulad ng sistema natin, kung saan pinaghiwalay ng Saligang Batas ang kapangyarihan ng pamamahala sa tatlong malaking kagawaran (separation of powers), ang mga katulad ng PDAF ay kwestyonable dahil pinapayagan nating gampanan ng lehislatura ang kapangyarihang dapat ay limitado sa ehekutibo. Sa ganitong pananaw, hilaw ang paggamit ng pondong PDAF kaya ito pinadideklarang labag sa Saligang batas.

Hindi pa man nareresolbahan ang PDAF ay heto pa ang isa ring hilaw na imbensyon, ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Gaya ng PDAF, ang kritisismo sa DAP ay labag din ito sa separation of powers ng Konstitusyon dahil ang ehekutibo dito ang may layang ilipat ang mga pondong itinalaga na ng Kongreso sa mga tukoy na gastusin at ga-mitin sa mga sarili nilang kathang isip na bagay.

May probisyon ang Konstitusyon na ang Presidente, basta lang payagan ito ng batas, ay may kapangyarihan na mag-realign ng mga savings para sa mga gagastusan sa loob din ng kanyang kagawaran. Ang savings ay ang mga halagang natipid sa bagay na orihinal na inaprobahan (o item) ng Kongreso. Kung may iba ring item sa loob ng kanyang kagawaran kunwari na aprubado rin sa budget subalit nagkulang ang nakalaang halaga, pwede dito i-detour ang natipid sa una.

Maari lang ito kung (1) may batas na ipinasa ang Kongreso na nagbibigay awtoridad, (2) kung may natipid sa ginastos sa isang item, at (3) maililipat ito sa item din na aprobado na subalit nagkulang lang.

Sa DAP, ang pondong pinagkunan ng ibinayad na P100 million sa mga Senador matapos ang Corona impeachment, walang batas na ipinasa at walang savings na nangyari. Nilipat ng buong buo ang mga halagang galing sa item na aprobado ng Kongreso at ginamit sa mga bagay na hindi aprubado.

Tinawag ito ni Sec. Ben Diokno na “budget within a budget”. Bastusan daw dahil ang mga kapangyarihang ipinaghiwalay ng Saligang Batas ay pinag-isa ni P-Noy. Hilaw na naman. Bad Dap!

BAD DAP

BASTUSAN

BATAS

BEN DIOKNO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KONGRESO

KONSTITUSYON

REPUBLICAN DEMOCRACY

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with